Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

ILOCOS GOV. IMEE MARCOS: ONE ON ONE

$
0
0

Tulad nang naging pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa ating palatuntunang INSIDER EXCLUSIVE Kapihan siya nga ay dumalo sa hearing ng House of Representatives. Nang tanungin siya nang mga mamamahayag kung bakit siya dumalo. “Wala naman tayong panalo sa Kongreso. Teritoryo nila, pero respeto sa subpoena at pagkakataon na rin para magsalita,”

Ang inbestigasyon ay inisiatibo ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas. Na may kaugnayan sa sinasabing maling pag gamit nang halagang P66.45 million na tobacco funds. Sa aking pakikipanayam kay Governor Imee Marcos sa ating Palantunang pang Radio (DzRJ) at pang telebisyon (PTV4) aking hinimay ang issue na ito na may kinalaman sa Tobacco excise tax. Tinanong ko kong ano ang pakahulugan ni Gov. Marcos nang sabihin niyang na PRE-JUDGE, na PRE-JAIL pa.

GOV. IMEE: Dahil pambihira talaga itong nangyayari sa kongreso. Nagkaroon ng hearing tungkol sa Tobacco Excise Tax at habang hini-hearing hindi pa lumalabas yung ibedensiya biglang kinulong na ang anim kong empleyadong mga lola, kaya dalawang buwan na sila nabubulok jan sa kongreso kawawa naman.

Dahil wala namang piitan na maayos doon. Walang bintana, walang hangin, walang tubig, walang banyo. Yung public male toilet dinadala pa sila ng sundalo. Yung aming accountant na 64 years old. Nagtataasan na yung kanilang blood pressue, yung kanilang blood sugar. May edad na e. Lahat sila department head namin at dun naman sa probinsya na aalintala yung serbisyo namin dahil yung mga sweldo, pati yung pantustos ng tuition sana nung summer jobs hindi na nabigay. Dumadaing na yung nasa ospital dahil wala ng mga medisina. Pati sa pulis, dahil yung gasolina nila kulang-kulang. So yun nga yung masalimoot na yung issue nagsimula sa tobacco tax, na punta sa illegal ditension ng ilocos 6 na pagkatagal-tagal na.

Hindi daw tama yung sagot dahil humihingi sila ng original document e para alam naman ni secretary yan na talaga karapatan ng testigo na humingi ng original kasi malabo na at medyo 6, o 7 years old na yung transaction. Tinatanong san yung original dahil malabo, nagalit. Nagalit si Congressman Fariñas at sabi bakit nambobola daw.

Tinatanong lang naman kung original o hindi e biglang yun nga dinetain sila. Pagkatapos na punta pa sa court of appeals, e nagwawala naman yung mga congressman sabi hindi daw papakinggan yung court of appeals at wala daw jurisdiction at mahina daw sinabi pang “gago” yata ang mga justice ididisbar a iaabolish yung court of appeals.

REY LANGIT: 4x na daw kayong inaanyayahan, pero hindi kayo sumipot sa house inquiry?

GOV. IMEE: Hindi, 1st time ko lang maimbitahan. 1st time for july 25. Siguro propaganda na lang yun. Yung una hindi ako inimbita e pinaimbita lang ako ng isang congresswoman pagkatapos may dalawang imbitasyon ata. Pero yung subpoena 1st time parang ang date ay 25. Pinaka importante kami, mas mahalaga kami kesa BBL mas importante yung local na politika kesa sa issue na national.

REY LANGIT: Mag a-attend po ba kayo o hindi?

GOV. IMEE: Gusto kong umattend. Talagang gusto kong pumunta roon at magkwento wala naman kaming tinatago. Kung gusto nila ng papeles anjan naman. Yung COA wala naman adverse findings. Kaya nagtataka ako bakit kami pa iyong na imbistigahan. Mayroon pang tour sa torture chamber, este detention chamber kaya marami yung kaalyado namin pati yung abugado na aabala dahil sabi nila kung ganyan at sinasabi na kukulong ka, e kung yung iba dumadaing na sila ay pre-judge, ikaw pre-jail ka na. Nagmamadali ka pang ipakulong. Pinakita pa yung banig, with matching teheras at dun daw magdusa.

REY LANGIT: To your mind, itong sinasabing jail na ito, ito ba ay kung kayo ay ma-contempt dahil hindi satisfied sa inyong sagot tulad ng ilocos 6 ? O dahil sa hindi ninyo pag dating? Kayo po ay naging congresswoman for a while, ano po ?

GOV. IMEE: ACtually ang tagal-tagal kong congresswoman e. 12 years ako kung i-tototal mas mahaba akong congresswoman kesa sa governor 7 taon pa lang. Pero sa congress ang tagal-tagal ko jan. Ang alam ko hindi ginagawa yan, kaya na gugulat ako, sabi pa nila ide-detain ka kung mali na naman ang sagot. Mali meaning hindi nila type at kung hindi naman sumipot ipapaaresto ka naman.

So hindi ko na maintindihin kung ano nais kaya napakahirap dahil marami naman nagsasabi na ito na nga politika na. Kasi na uwi talaga ito sa local politics bakit kinaladkad to hanggang kongreso hindi ko maintindihan kung bakit. Ang iniipit ay iyong mga empleyadong walang kalaban-laban. So nakakahiya talaga itong mga pangyayari. e ang alam ko si congressman Fariñas iyong unang hinihingi iyong anak niya na si Ria na siya daw ay tatakbo sa 2019 pag nag graduate si congressman at pinapaatras ako sa the first district. Sabi ng nanay ko “sige na para matapos na yan kasi napakalaking kahihiyan tong dinudulot sa atin” so lumipat ako siya pa nga kumuha ng mga papeles dun sa COMELEC at ayaw maniwala e. Kaya’t ito nga nagugulat kami kung bakit tuloy-tuloy pa rin yung imbestigasyon.
REY LANGIT: diba ally naman po ang mga Marcos at mga Fariñas?

GOV. IMEE: Ay yun ang alam namin e. Kaya lang mukhang liberal na siya mula pa noong impeachment ni Chief Justice Corona at noong election edi syempre dutertard kami at sila naman ay talagang LP. So marami ring pakiware na sa talagang sinasabi na baka naman politika to kasi na taon sa protesta ni Bong Bong na taon sa human rights na kaso ng nanay ko nanalo naman na nadismis last week so ewan ko nagkakaroon ng conspirancy theory na dilaw e.

REY LANGIT: Isa po raw si Bong Bong na nag-advise sa inyo na huwag pupunta?

GOV. IMEE: Alam mo cocontempt din daw siya. Obstraction of justice daw kaya ikukulong rin siya dun sa pihitan kasama ng mga court of appeal justices. Lahat kami ilalagay dyan sa detension ng congress, bilibid congress po.

REY LANGIT: Pati din po ba yung mga justices ay pinagsabihan ng ganun?

GOV. IMEE: Hindi lang pinagbantaan dun sa detention na pinakita, dun rin daw sila ikukulong, sabay-sabay kaming lahat at yun na sinabi na.

REY LANGIT: Mukhang undermining ito ng ating mga justices. E totoo naman dapat naman kasi konting respeto sa bawat branch of government. Co-equal yan, syempre respetohan kaya na sisindak rin kami dahil bakit ganun ang pananalita ng kongreso sana medyo hinay-hinay, inot-inot sa ilokano dahil hindi naman magandang pakinggan yung ganun. Kung si presidente nga susunod sa decision ng Supreme Court sa usapin ng martial law. Sana naman lahat ng mga pinuno ng pamahalaan ay ganun din. Dapat e sumunod tayo ng konti dahil hindi maganda kapag lawlessness ano, kailangan rule of law talaga.

REY LANGIT: Yon mga nakulong, diba yon isa ay provincial treasurer, ang isa’y provincial budget officer, yung isa ay abugado ninyo, bids and awards committee head, planning development unit chair at treasury officer. Paano po tumatakbo ang gobyerno ng Ilocos kung halos lahat ng officers po ninyo ay nakakulong?

GOV. IMEE: That’s right talagang hirap na hirap kami wala nga akong maappoint na OIC kasi hindi rin qualified kaya nga pahirapan kami ngayon dahil ito nga hindi nabibid yung dapat ibid yung mga gamot sa ospital namin lima yung ospital dalawang clinic, e kulang kulang maski aspirin wala na pati oxygen, ganun din yung gasolina, mga voucher ng mga pulis. Lahat ng problema namin. Nung summer edi nagsummer job yung mga bata at inaasahan ng pantustos ng tuition nila e hindi na ibigay tuloy. At ito nga naghihikahos talaga yung probinsya at na antala talaga yung serbisyo namin.

REY LANGIT: Pati mga voucher daw, tsaka releasing e kayo na ho ang pumipirma?

GOV. IMEE: Hindi naman. Hindi naman ganun. Ang nangyari dyan kasi makikita natin na talagang akong pumipirma kapag special fund. Iyong tobacco tax special fund yan e ganyan talaga yung batas puro local government executive. Kapag regular budget yung department head lang naman yung humihingi kung ano naman ang kailangan nila. Pero talagang napakalabo dahil yung COA kelanman hindi naman nagbibigay ng disallowance wala kaming adverse-finding parati nga kaming ina-uphold na modelo para jan at kami lang yata yung probinsiya sa buong pilipinas na nag-iso yung (international standard for management and audit) at pinagtatakahan sa Ilocos dahil hindi naman to ghost project nagkalat lahat ng minitruck sa mga kalsada.

REY LANGIT: Alright nabanggit mo din yung mini truck. eh may feedback pong nakarating sa inyong abang lingkod na natuklasan daw po yung more than 66 million na fund nitong nang tabacco excise tax eh napunta po roon sa apatnapung (40) mini-cabs,

5 Second Hand Buses At 70 Foton Mini Trucks.

REY LANGIT: Second hand nga ba raw yon mga buses?

GOV. IMEE: Bus, yes. Alam ho ninyo yung kalagayan namin sa Ilocos iba kasi sa Maynila eh kung ikukumpara ko yung edsa sa kalye namin mas bongga yung kalsada namin. Ang gaganda ng kalsada namin sangkaterba kalsada, ang problema so many roads nothing to ride walang masakyan eh kaya yung aming mga farmers katulad ngayon nagkakaproblema sa garlic cartel ang taas taas ng presyo sa Maynila ang taas ng presyo sa palengke pero dun mismo sa mga bukid talagang chinachane ika nga. Yung mga farmers mismo ang baba baba ng bayad sa magsasaka dahil hindi naman nila kayang dalhin sa merkado mismo o kaya sa poblasyon o sa Maynila so yun lagi ang hinihingi nila na magbigay tayo ng truck at mga mini truck at yun ang gagamiten. So yun ang laging request nila at ahh yun nga ang binigyan namin ng priority kayat nagtataka ako kung bakit yun ay problema nagkalat naman sila don at pinakikinabangan na ng mga anim na taon very long time na eh 2011 2012 talagang yun yung mga vouchers na yun kaya hindi ko talaga maintindihan kung ano yung kwestyon don at kumpletos rekados talagang tinignan naman sabi nawawala yung original documents pero yung original documents naturn over naman lahat sa COA. Yung COA mismo yung admitido na menandukot. Biglang sumulpot yung isang affidavit na sya raw ang kumuha, isang Pedro Mandak Gorospe na nagsasalita nag nasinumpaang salaysay naman sya at ang sabi nya yung leader daw ni congressman Fariñas pinadukot sa kanya nung 2013 eh papano naman namin kasalanan yon? Dahil nga wala nga sa amen natuturn over yan eh pag na-liquidate ka kase ibibigay mo sa COA so admitido naman ng COA yon. Ang akin naman kung makikita naman yung mga truck at maihahambing sa iba makikita na talagang yung iba naman sila sa tinatawag na chop chop na napaka-liliet sedcond hand tapos sinto sinto.

REY LANGIT: Ang complain po nila eh walang nga pong mga papeles kaya po yung mga gumagamit po yata ng mga naisyuhan na mga sasakyang na ito nasisita raw po ng LTO.

GOV. IMEE: Ah yes ang pakirawi kasi namen agricultural equipment to ibig sabihin yung mga kuliglig, yung mga traktora, mga bakho, hindi naman binibigyan ng lto yan eh kase hindi naman dapat mamasada eh at ayaw na ayaw namen na gamitin na parang private vehicle ng kapitan o yung mga brosing ng coop eh ayaw naman talaga namin na talagang gamitin sila so ginawan namin ng paraan na wag na muna pang talagang pang karga ng abono ng fertilizer pangkarga ng mga palay ng mga tabako para dalhin sa poblasyon pero ngayon sinabi ng ito gusto raw nila na kinakailangang iregister sinisimulan na naming iregister pero as agricultural equiment yung mga corn sheller rice husk ah husk ah yung mga kung ano anong ginagamit naming siger talaga namang hindi nirerehistro yan kasi pang agrikultura.

REY LANGIT: Yung gasoline, sino po ang sasagot non?

GOV. IMEE: ah yung mga beneficiary sila mga sumasagot yung iba nga.

REY LANGIT: Expected ata nila dapat ang gobyerno.

GOV. IMEE: Ah hindi naman, hindi naman alam naman nila eh sino gumagamet, so maintenance expenses nagkakaalitan lang kame kase yung iba hindi masinop mag alaga. Yung iba naman nasisiraan hindi naman nila inaayos pero buy and large mahal na mahal nila yung mga mini truck na yan kasi malaking bagay.

REY LANGIT: Governor nabanggit po ninyo na mga 12 years kayo rito sa house of representatives. Paano ba ang kalakaran sa pag iinvite ng resource persons. Katulad ng inquiry ng committee on good government and public accountability in aid of legislation. Desisyon ba ng chair ang pag papalabas ng contempt o consultation sa buong 42 membership?

GOV. IMEE: Ganun nga eh hindi ko nga masyadong naintindihan eh despite the fact na napakatagal ko ron iba na kasi ang kongreso ngayon kaya’t nakakagulat nga kasama ko pa si Congressman Pimentel date first term congressman yun eh kasama ko dati sa governors league kaya nabibigla ako kung bakit antinde ng pananalita eh sana gamitin nga yung kapangyarihan na malawak at matinde ng kongreso in aid of regislation na makatulong sa tao umunlad sa hirap at makaahon sa kahirapan, subalit ito nga in aid of persecution na’to kase naman talaga akong tinutuges at hindi patag ang laban sa kongreso nakikita naman natin yung nag akusa sayo, mag-iimbestiga pa, sya pa ang hahatol at sa bandang hule sya pa ang kukulong sayo. Iisa lang na tao yun ehh ang akin kung talagang may kaso dalhin na lang sa korte na mapakita tulad nga ng sinasabi ni secretary ikalat lahat ng ebidensya at timbangin ng maige kung ano ba talag ang isyu pero kung ganito na talagang pambuburo na ang pinagmulan eh talagang lokal politics dun na lang tayo sa Ilocos at matagal po yung eleksyon kung bakit tayo nauwi rito sayang naman at kawawa naman talaga yung mga lola kong empleyada.

REY LANGIT: Meron pong sinasabi si Deputy Speaker Fariñas hinggil po dun sa they are just simply running after malfeasance, misfeasance or nonfeasance sa gobierno.

GOV. IMEE: Yes tama kasama dun sa in aid of regislation yung malfeasance misfeasance nonfeasance kasama talaga yon pero alam na den na hindi naman na inquisition of prosecution ang congress sabi nga ni secretary iba yung trabahao ng senate iba yung trabaho ng congress, iba dahil in aid of regislation hindi sila nag po-prosecute. Higit sa lahat hindi sila inquisitorial na nagpapakulong talaga at talaga kung ano ano thats inherent on the power of content but certainly ayaw natin ng bilibid sa kongreso.

REY LANGIT: May binangit din si Congressman Fariñas na from step one to the last step, kayo ang lumalagda sa purchase request. Kayo rin daw ang nag aaproved ng disbursement voucher at pati cheque.

GOV. IMEE: Medyo shino-shortcut yata nila yung proseso kung makita natin ang liwa liwanag naman ng proseso sa local government code na sinusundan natin pati sa DBM ganun din sa COA talagang may proseso yan na maayos, kaya nga lang naiiba yan depende sa pondo yung R.A 7171 eh talagang special fund yan kaya medyo lahat ng request ng barangay, may request pa nga yung anak nya yung mga pamangkin nya nagrerequest din yan ng mini truck lahat ng request nya dumadaan sa committee na binubuo ng agriculture ng millenium development goals nung panahon na yon tapos sinusuri nila pero sa bandang hule ako pipirma pero di naman para sakin yun di ko gagamiten samantala nung panahon nya nung governor sya nagkaroon sya ng kaso sa sandigan yung binibili nila yung 4th round victory na luxury car galing sa america tapos yung dalawang cherokee jeep at isang speed boat ayun talaga hindi napunta sa magsasaka kundi sa kanya lamang.

REY LANGIT: Saan po galing yung funds nun?

GOV. IMEE: Sa R.A. 7171 sa tabako rin, naging kaso. Kaya nga hindi rin namin maintindihan kung bakit napunta to dahil ah yung dalawa pang testigo na nagtanggal sa kanya ron eh dalawa ron eh kinulong nya dito sa Ilocos 6 yung accountant at ah yung isang treasurer.

Ito’y bahagi lamang nang ating naging pakikipanayam kay Governor Imee Marcos na naisahimpapawid sa himpilang DZRJ 810khz, ng alas -9 ng umaga at napanood sa PTV4 ng alas -8 ng gabi. Ang Insider Exclusive ay sumasahimpapawid tuwing araw ng Miyerkoles.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles