Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

D’ MASSACRE!

$
0
0

Ilang oras makalipas nang malagim na pangyayaring massacre sa pamilya Carlos, aking pinakiusapang makapanayam si Dexter Carlos, ang ama at kaisaisang natirang miyembro nang pamilya Carlos ng San Jose Del Monte Bulacan.

Ang pakikipanayam ay aking ibinahagi ng live sa ating tagapakinig ng “Kasangga Mo Ang Langit” radio program na napapakingan araw-araw ng lunes hangang biyernes, 10-11am sa DZRJ 810khz at simulcast live sa:

  • Explore Tv Channel 17,
  • Fil Products Cable, Butuan City
  • Idol Fm Legazpi City
  • Dyme Masbate
  • 107.1 Power Fm Puerto Princesa Palawan.
  • 97.1 Wow Fm Roxas Northern Palawan.

Rey Ang aking taos pusong pakikiramay Dexter sa sinapit ng pamilya mo.

Dexter:Salamat po.

Damang dama ko ang kalungkutan sa tinig ni Dexter habang siya ay aking kinakapanayam.

Rey Ikaw personally, pakiwari mo kayang gawin ang pagpaslang sa buo mong pamilya ng nag-iisa lang na tao?

Dexter: Hindi talaga ako naniniwala na siya lahat ang may gawa niyan.

Rey Nataon naman na may kaliitan lang itong lalake, base sa obserbasyon mo nagawa kayang man-laban nang misis mong si Estrella at yung biyenan mo?

Dexter:Yes sir, nakita ko na may mga sugat yung kamay ng asawa ko, sa braso may sugat ganun din sa biyenan ko. Panong sasabihin niya na walang nagawa, di ako naniniwala sa binitawan niyang impormasyon.

Slaughter

Rey Dun sa mga sugat sa kamay, indikasyon ba ito na sumalag sila sa unday ng saksak? Anong klaseng patalim ba ang ginamit?

Dexter:Kutsilyo yung ginamit. Kase nung nandito yung mga SOCO, sabi ng SOCO, nakatakbo pa yung asawa ko at saka nakahawak siya ng putik, ibig sabihin, malamang hinila at dun ni-rape sa may pinto.

Rey Nakababa pa si misis mo ng bahay?

Dexter:Opo, nakababa kase sa taas sila natutulog, bumaba siya sa labas ng bahay.

Influence of drugs

Rey Doon sa naulinigan ko sa presscon kanina, ito ay nasa influence ng drugs at alak, ganun ba?

Dexter:Yes naniniwala ako dun na adik yan.

Rey Dexter, sa mga naging salaysay mo na merong mga lalakeng umiigib sa inyo, na minsan ay tumitingin sa pamilya mo, ito bang prime suspek na ito na si Carmelino Ibañez ay kasama doon sa mga lalakeng yun?

Identities

Dexter:Kasama po at tsaka yung pangatlong dinala, ýun ay kasamang nag-iigib dito sa bahay.

Rey Itong si Carmelino Ibañez, malapit lang ba ang bahay sa inyo?

Dexter:Malapit sir, dalawang bahay lang ang pagitan.

Rey Matagal nyo nang kilala ito?

Dexter:Di ko kakilala yan pero yung mga anak ko ang nagsasabi na yan ay kapatid nung kumare namin. At saka yung anak ng kumare ko kase laging nandito sa bahay kaya sinasabi nila na tito nila yan. Pero di ko alam ang pangalan, mukha lang ang alam ko sa kanya.

Rey Alam mo ba kung ano ang trabaho nito?

Dexter:Wala yang trabaho, tambay lang yan.

(Ayon sa mga otoridad, hindi makaapekto ang muling pagbaliktad ng statement ng massacre suspect sa kasong rape at murder na isinampa ng Bulacan PNP.)

Rey Noong mangyari ito bale naka-on duty ka bilang isang securty guard? Mula what time to what time ba ang duty mo?

Dexter: Bale 19:00 hours to 07:00 hours po.

Rey So, pag uwi mo galing sa duty, dun mo palang natuklasan yung pangyayari?

Dexter:Opo.

Rey Sino sa pamilya mo ang una mong nakita?

Dexter:Yung biyenan ko sir dahil sinilip ko sa bintana, tapos pangalawa yung asama ko, nandun sa labas ng pinto na namin na bukas na.

Rey Pagdating mo sa bahay di mo agad binuksan yung pinto?

Dexter:Yung pintuan kase sa harap naka-lock, kinatok ko, dahil wala pa ring nagbubukas kaya sinilip ko yung bintana, yung bintana kase namin sir, nakikita sa loob, bale ang nagko-cover lang yung kurtina. Tamang- tama na nakausli yung kurtina, sinilip ko nakita ko yung biyenan ko na naka-hubad, saka duguan siya. Tapos umakyat ako doon sa taas para doon ako magkaroon ng access sana, nakita ko na rin yung asawa ko na nandun na, duguan at patay na rin.

Rey Nung makita mo sila na ganito na ang ayos at wala ng buhay, ano ang ginawa mo, ano naramdaman mo?

Traumatized

Dexter:Ang naramdaman ko nun ay lungkot at kaba, nag-iiyak na ako at nagsisigaw. Na kung may nakakita man lang na pumasok sa bahay. Kase pinatay na lahat ng pamilya ko yun yung nasabi ko sa labas, sa mga tao na nakikita ko dito sa labas.

Rey Mga anong oras nga yon Dexter, alas- 8 na opasado?

Dexter:Pasado na 8:30. O quarter to 9 po.

Rey Tapos yung tatlong mga anak mo ay nasa 2nd floor?

Dexter:Yes po, sa kwarto.

Rey Malupit, pati mga bata, hindi pinatawad.

Dexter:Yes po.

Rey Papano ang pag sasaayos ng mga bangkay, saan mo balak na iburol sila?

Comfort And Support

Dexter:Dito po sa Bulacan, bale tinulungan ako nila mayor at congresswoman, sila po ang lahat na namahala sa kabaong at paglilibingan po.

Rey Taga-Bulacan ka ba talaga o galing ka sa ibang lalawigan at dyan lang kayo namuhay?

Dexter: Dalawang taon kami rito na nakatira na sa Bulacan.

Rey Ang origin mo, ano ang pinanggalingan mong lalawigan?

Dexter:Sa Cagayan Valley

Rey Yung mga relatives mo naroon sa region 2?

Dexter: Yes po nandun sila

Rey Alam na nila yung nangyaring ito?

Dexter:Alam na nila kase gusto ko nga na papuntahin na sila rito kase wala akong kasama sa pagdadalamhati. Kase po nahihirapan na ako.

Rey May nakikita ka pa bang ibang motibo? Bukod duon sa nasabi mong may balak na masama sa may-bahay mo itong suspek?

Dexter:Wala po akong ibang makitang motibo nila sir, kundi rape lang.

Hindi lamang ang sinumpaang salaysay ng suspect na si Carmelino Ibañez alyas miling ang pinagbasehan ng kaso laban dito. Ang isa sa pinagbatayan ng mga otoridad ay ang impormasyon na galing sa isang saksi na nakita si Ibañez na papalabas ng bahay ng mga biktima na may bahid ng dugo at walang pang-itaas na damit.

Rey Wala namang nawala sa inyo?

Dexter:Wala naman pong nawala, walang nasira maliban lang sa dalawang kutsilyo na nawala.

Rey Yung ginamit ba na kutsilyo sa pag paslang ay galing sa inyong bahay?

Dexter:Hindi ko po alam kung yung kutsilyong nawala ay yun yung ginamit sa pagpatay sa pamilya ko.

Ayon sa witness may itinapon din ang suspek na bagay malapit sa lugar, na di kalaunan ay nadiskubre ng mga pulis na kitchen knife.

Rey Very unusual ang ganitong pangyayari, alam kong napakahapdi at sukdulang experience ito sa buhay mo. Ang naalala kong halos kahalintulad na pangyayari noon ay ang insidente sa bf homes parañaque, sa pamilya Visconde na buong pamilya rin. Hindi ko lubos maisip kung papaano ang isang taong na nasa wastong katinuan ang makagagawa nito. Ano ang mga balak mo ngayon Dexter?

Future Plans

Dexter:Wala pa akong maisip na balak kundi inuuna ko muna tong pamilya ko na mailagay sila sa tama. Hinihintay ko lang yung relatives at kapatid ng misis ko para mapag-uusapan namin kung kailan namin sila pwedeng ilibing kase wala pa po sila. Sa ngayon, wala pa po akong nagiging plano.

Rey Kung mananatili ka sa Bulacan o uuwi ka na sa lalawigan ninyo, ang mga parents mo ay nasa lalawigan, buhay pa sila?

Dexter:Opo, sa pagtira dito siguro di na ako titira, kase kung dito pa ako titira, baka mawala na ako ng katinuan kung dito pa rin ako titira.

Rey Ang pag lilibingan ba diyan na rin sa Bulacan?

Dexter:Dito na rin sa Bulacan po.

Rey Tatagan mo lang ang sarili mo Dexter, hindi gawang biro ang inabot mong pag subok na ito sa iyong buhay. Mahirap mang maunawaan, ituloy mo parin ang panalangin para magabayan ka.

Dexter:Maraming maraming salamat po mr. Rey langit sa pagkakataong ito.

Summation

Minsan masasabi mong napakalupit ng tadhana. Ang ganitong karumaldumal na pangyayari at pagsubok sa buhay ay mahirap maarok at maunawaan. Ang mamatayan ng mahal sa buhay ay nangyayari kaninoman, ngunit ang mawalan ng mahal sa buhay na dinaan sa dahas at kalupitan ay dobli hapdi na mararamdaman. Masyadong malupit ang pagkakapaslang sa pamilya. Maliban sa pang aabuso, tinamo ang 45 saksak ng kanyang misis at 32 saksak ng kanyang bulag na biyenang babae. Hindi rin pinatawad ang kanyang mga anak na isang (1) taong gulang, pitong (7) taong gulang at labing isang (11) taong gulang.

Damang dama ko ang pagsubok na pinagdaraanan ngayon ni Dexter. Dumaan man ang mahabang panahon hindi pa rin kayang maghilom ang sugat at hapdi na dinulot nito sa buhay ni Dexter. Sa paghahatid ng kanyang pamilya sa huling hantungan nasambit ni Dexter ang paghingi niya ng patawad, dahil wala siya upang ipag-tanggol ang kanyang pamilya sa kalupitang sinapit nang kanyang mga mahal sa buhay. Hustisya para sa kanyang pamilya ang inahangad ngayon ni Dexter Carlos at dalangin para sa kanya na malampasan niya ang mabigat na pag subok na ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles