Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

TRAIN, AARANGKADA NA!

$
0
0

Tinalakay namin ng husto ang hinggil sa mainit na issue nang Tax Reform for Acceleration and Inclusion na may acronym na TRAIN. Kung papaano mabebenipisyohan ang mga mamamayan sa mga naka salansang infrastructure na siyang mag papasigla sa ating economic productivity.

Sa aming “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” na linggohang napapanood sa PTV4, 8-9pm at live na napapakingan sa DZRJ 810khz ng alas nueve (9am) ng umaga tuwing miyerkoles at simulcast live sa:

Explore TV Channel 17,
Fil Products Cable, Butuan City
Idol FM Legazpi City
DyMe Masbate
107.1 POWER FM Puerto Princesa Palawan.
97.1 WOW FM Roxas Northern Palawan.

Aming naging guests sina Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña ng Social Security System (SSS) at Atty. Paola Alvarez, Assistant Secretary ng Department of Finance (DOF). Tinanong ko kay Asec. Paola Alvarez papaano poponduhan ng TAX package na ito ang DuterteNomics upang ma-sustain ang growth momentum ng bansa.

8.1 TRILLION IN SIX YEARS

Asec. Alvarez: Explain po natin yan, maraming nalilito kung paano daw natin ito ma-wowork itong ating train. So yung train po ang tax integration and inclusion act. Ang plano natin dito is yung long-term niya is to increase the GDP growth ng Philippines from 6 to 7% for the next six years.

Ang gusto po nating mangyari is by 2022 ay ang Philippines po ay mid-income country na parang Thailand at Malaysia, at by 2040 ay high income country na po tayo ng parang Japan at Korea. So para gawin po ito, ang plano po ng ating administrasyon ay to spend 8.1 trillion in the next six years. Ang gagawin po natin dito, kaya po tayo nag-raraise ng pondo is para po makapag-fund po tayo sa infrastructure unang-una, health, education at social protection. So paano po ito makakaapekto sa ating bansa? So unang una po yung infrastructure spending, ito po talaga yung nakikita nating magboboost ng maraming investments. Kasi kung titignan niyo yung ating kapitbahay, lalo na yung Vietnam at Cambodia, talagang nagbubuhos po sila ng investments nila para sa infrastruktura. Para mo magkaroon ng maraming businesses dito, kailangan po maayos yung daan, yung ating train system para po mabilis ang movement ng goods from one place to another, mas mura. Yung ating mga ports, airports, seaports, kailangan po nating ayusin yan para po may mas marami tayong ma-attract na investors.

2ND HIGHEST INCOME TAX SA ASIA

Rey: Nabanggit niyo po ang ating mga kapitbahay sa ASYA, how true na tayo ang 2nd highest income tax in ASEAN 2nd to Thailand?

Asec. Alvarez: Totoo po yun, kasi kung titignan niyo po yung income tax natin. 1997 pa po yan nung huli nating inayos. So kung titignan niyo yung highest bracket diyan na 500,000. Yung value po nun, annually na 32%. Yung 500,000 nung 1997, hindi na po yung value nun ngayon. Kung titignan niyo yung mga kumikita ng 21,000 they are being taxed at the same rate ng 32%. Masyadong mabigat po ito, kumbaga kung entry level ka or nagtatrabaho ka sa BPO. Malaki po yung nababawas sa ating sweldo.

Rey: Umpisahan natin sa ating mga minimum wage earners, nagwoworry po sila baka daw tamaan ang kanilang kita. Halimbawa yon kanilang night shift differential, overtime, holiday, hazard pay. Mayroon bang revision sa unang salansan ng tax reform package?

SA MINIMUM WAGE EARNERS

Asec. Alvarez: Ang talagang magbebenefit po sa ating tax reform ay ang ating low income earners. Yung iba po kasi nalilito, so ganito po yan. Number one, yung earning 250, 000 annually, magiging tax free na po yun. Tax excempt na po sila. So in addition to that, yung mga may bonuses from 100,000 annually, tax excempt na rin po yun. So 86% ng ating tax payers. Malaki po talaga ang mababawas sa ating mga tax. Pangalawa po yung mga minimum wage earners, ito po yung nagkakaroon tayo ng mga issue. Sabi po nila, mahihirapan po yung mga minimum wage earner kasi wala po talaga silang relief na makukuha pag binawasan mo yung income tax, kasi tax excempt pa rin naman sila. Yung pag-aadjust nila ng mga goods katulad ng auto excise, oil excise, at broadening of the VAT base. Sila po ang sinasabing matatamaan. Para hindi sila matamaan, yung mga low income earners, diyan po tayo magpopondo ng ating social protection, health at education. Kung titignan niyo po, dadagdagan po natin yung benepisyo nila, lalong lalo na yung mas mababa ang kita, so mas madadagdagan nila yung kanilang pension, magkakaroon tayo ng direct transfer programs. So ishishield natin sila by giving them the transfers. Mas effective po yung transfer subsidies kaysa nag-eexempt tayo. Kasi pag nageexempt tayo, minsan nagkakaroon ng leakages.

FUEL AT AUTOMOBILE EXCISED TAX

Hinimay namin ang usaping excised tax para sa gasolina o fuel at automobile.

Asec. Alvarez: Yung sa fuel po, yung sinasabi nilang iaangat natin from four pesos to ten pesos. Ang ginawa po nating computation diyan, kaparehas po ng pag-gauge natin sa low-income tax. So, kung titignan niyo rin po, 1997 pa nung huling inadjust yung oil excise. So yung oil excise apat na piso noon. So kung titingnan niyo ngayon, apat na piso pa rin yung oil excise. Yung same logic ng inflation na value ng 4 pesos nung 1997, hindi na po yun yung value ngayon. Inaadjust po natin siya para malaman yung halaga ng apat na piso noon, ang katumbas po noon ay sampung piso na ngayon. That is an increase of 6 pesos. So dahil po mabigat yung biglaang pataw na apat na piso, ang minabuti po ng kongreso is to stagger na 3-2-1 na para po mayroong buffer na hindi agad agad hindi ganun kataas yung presyo ng gasolina. So, to clarify naman po niyan, kung titignan niyo kasi, noong 2011 meron pong instance diyan na yung presyo ng langis, nag-increase ng 200 percent. Pero kahit naman nag-increase ng ganung kataas yung presyo ng langis, hindi naman po nag-shoot up lahat ng commodities. Kung baga yung mga regular na bilihin, kung nag-increase man yung kanilang presyo, hindi masyadong malaki. Kung baka maliit, incrimental. So, healthy pa rin po yun. Ang sinasabi po natin dito is yung inflation rate na finoforecast sa atin would be for 2 to 4 percent. Ang sabi sa atin ng BSP at BBM, yung mga expert sa pagcocompute ng inflation is kung kahit i-increase mo yung ating oil excise, manageable pa rin yung inflation kasi it would still be within yung forecast natin.

PASA-PASA SYSTEM

Rey: Ngayon paano naman natin i-aaddress yung mga PASA? Na kapag tumaas ang gasolina, lalo na sa mga public transport, tulad ng Jeepney mabilis na ipinaPASA ito dun sa mga mananakay.

Asec. Alvarez: Naiintindihan natin yan. Dahil magkakaroon ng sinasabing pasa, maglalagay tayo ng direct subsidies. Ito na yung programa natin na pantawid pamasahe, pantawid kuryente, ang gagawin natin yung jeepney modernization. Kasama po yun dito. So, yung pantawid pamasahe dito, magbibigay tayo ng voucher system para yung mga public utilities na sinasakyan natin, hindi po sila maaapektuhan sa singil sa langis kasi magkaka-direct subsidy. Maliban po dito yung modernization. So ito yung mga proyekto na gusto natin, yung luma na jeep na delikado na mausok. Yung nacoconsume na fuel na hindi malinis, kumbaga yung mga Euro 2 pa lang yung engine nila, i-uupgrade natin yun para maging Euro 4, which is kalahati yung consumption ng gasolina atsaka yung kanilang body, chassis, mas magiging malinis ang jeepney kasi i-uupgrade natin. Maliban dito, magkakaroon tayo ng pantawid kuryente, yung matatamaan yung mga maliliit lang ang consumption ng kuryente. So marami tayong ginagawa na subsidy program. Yung poorest, yung 50 na mas mahihirap po talaga , sila yung may mga direct transfers kasi sa tingin po natin, sila talaga yung mangangailangan. So ishishield natin sila through direct transfers.

BAGONG TAX SA KOTSE

Rey: Yung sa mga nakakaafford naman. Yung mga mayayaman. Paano kino-compute yung para sa VAT, plus excise tax, plus net pricing ng auto. Paano yung description natin diyan?

Asec. Alvarez: So, sa mga automobile po, ang ginawa natin diyan, yung graduated din. Kunyari yung mga Vios, yung Mirage, mas mababa yung tax nila from 2 to 4 percent. Pero kunyari yung mga sobrang mahal na sasakyan. High end, luxury. Kunyari, yung mga Maserati, BMW, Mercedes, mas mahal po yung kanilang mga tax kasi kung nakakaafford ka ng mas mahal na sasakyan, dapat magbayad ka ng mas mahal na tax kasi mas mayaman ka eh. So dun sa lower-end vehicles, hanggang yung lagi nating ginagamit tulad ng Fortuner, Innova, yung ganyan po, yung mga nakaka-afford nito, sila yung mas makaka-benefit sa pagbababa natin ng income tax atsaka yung sa corporate income tax sa susunod nating packages. So yung sinasabi na kahit bigyan mo kami ng breaks sa income tax, mauubos pa rin kasi mag-aadjust ka sa ibang mga bagay. Hindi po totoo yun. Kasi mas magiging malaki pa rin yung take-home pay mo compared dun sa i-i-increase natin na revenue generating para ma-compensate yung irerelease natin sa income tax.

SUMMATION

Ang Moody’s Investors Service ay nagsabi na sa credit outlook ito ang magbo-boost sa credit rating ng Bansa, dahil magbibigay sa gobierno ng panibagong simula, o fresh revenue stream.

Ayon naman sa Fitch Ratings na ang President’s intervention ay malaking bagay upang mapabilis ang proseso at maging ganap na batas ang panukala. Malaking tulong na gawing priority ng Gobierno ang Tax Reform.

At ang Deutsche Bank ay nag pahayag na maliban sa fundamental economic benefits, ito ay mag bibigay ng positibong hudyat sa mga investor na ang gobierno ay may political will upang gawing ganap na batas ang isang unpopular laws na ma-institute ang isang long-term structural economic reforms.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles