Upang mawala ang agam-agam at pangamba nang ilan nating mga kababayan sa Metro Manila kaugnay nang sinasabing spill over ng mga kaganapan sa Mindanao ating kinapanayam si Director OSCAR ALBAYALDE, Chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ating palantuntunang pang Radyo na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na sumasahimpapawid 10am hangang 11am, Lunes hangang Biernes sa DZRJ 810khz, 8 TriMedia Network.
POLICE INTELLIGENCE AT WORK
Puspusan ang ginagawang effort ngayon sa Metro Manila ng NCRPO upang imonitor, bantayan ng husto ang mga kaganapan sa paligid. Para sa kapanatagan nang ating mga mamamayan sa kalakhang Maynila kinuha natin ang assurance ni General Albayalde na hindi mangyayari ang nangyaring paglusob ng BIFF sa mga Villages sa Pigcawayan North Cotobato.
Dir. Albayalde: Yes tama po yan, mahigpit nating binabantayan yan at continuous ang ating intelligence monitoring at nakita naman po natin na halos dinoble po natin yung mga pulis na
nakalabas sa ating mga lansangan para po maiwasan itong mga karahasan na pwedeng mangyari dito sa ating rehiyon.
Aming napag usapan ang hingil sa memo ng isang Valenzuela Police officer na nag leak sa social media na pag ahanda sa posibling karahasan at pagpapasabog na maaring mangyari sa mga Mall sa Metro Manila.
RAW INFORMATION
Dir. Albayalde: Well, unang-una pina-relive na po natin yung chief ng intelligence division na yan ng Valenzuela. Pending the conduct of partial investigation, hindi pa po tapos yung imbestigasyon ngunit tinitingnan pa nga po natin ang rason niya at kung paano nag-leaked yung information na yan wherein supposed to be na yan po ay highly confidential, yang ganyang klase ng information. Dahil yan po ay unverified pa at unconfirmed yung mga information na yan. Hindi pa po yan tinatawag na intelligence information dahil wala pa pong verification yan at wala di pa po malaman kung saan galing yang source na yan.
Rey: Pero kalakaran ba ito Direktor sa PNP na talagang nagpapalabas kayo ng ganitong memo para i-alert ang ating kapulisan sa Metro Manila?
Dir. Albayalde: Yes, actually naging kalakaran ‘yan the whole PNP nung araw pa. Pero ngayon lang naging sensitibo yan dahil sa naging sitwasyon natin ngayon sa terrorism. Matagal na po naming ginagawa yan to make all the territorial units natin o yung mga line units natin to be on their toes para maiwasan yung tinatawag na failure of intelligence. Kaya lahat ng intelligence na nakukuha o information na nakukuha natin ay minamabuti nating binabato sa lahat ng units natin down to the Precinct level para po sila ay makapaghanda. Sila rin ay kung mayroon silang nalalaman na information patungkol dun sa memorandum na yun, dun sa nilalaman ng memorandum na yun ay pwedeng nilang ishare para mavalidate yung information na yun. Habang isinasakatuparan namin ang interview kay Director Albayalde ay patuloy pa rin ang validation na ginagawa ng PNP sa raw information na ito.
Dir. Albayalde: Liwanagin lang po natin kahit po yung mga ibang kumakalat sa social media. Yan pong mga information na yan, ay mga raw information. Hindi pa po [yan] mga intelligence information kaya po vinavalidate yan at kino-confirm pa po yan.
WILLINGNESS TO COOPERATE
Ating napag alaman na ang mga Muslim communities sa Metro Manila ay willing na tumulong sa mga otoridad. Sila ay willing na mag monitor sa mga galaw nang Kamusliman sa kalakhang Maynila, laluna ang mga dayo at bagong mukha na darating sa Metro Manila.
Dir. Albayalde: Actually ginagawa po yan ng iba’t ibang districts. Yung initial, nakipag-ugnayan sila sa kanilang mga kapwa sa iba’t ibang mga Muslim communities particularly sa Quiapo area na kung saan sila na mismo ang nagsabi na di nila susuportahan ang mga ganyang mga gawain ng mga masasamang kapatid nila . At tsaka sila na rin ang nagsabi na hindi sila sasapi sa kung saan saang mga threat group whether foreign o local.
Rey: Magandang development yan, dahil kung sa kanila mismo galing ang commitment na ganito, gusto nila nang totoong kapayapaan at pinupulis nila ang kanilang sariling ranks.
Dir. Albayalde: Tama po yan, actually kung pagmamasdan po natin gaya sa Kuriat sila na po mismo ang nagsusumbong dun sa mga import na illegal drugs ng mga Muslim dun sa kanilang lugar.
SKIMMING FRAUD
Samantala kaugnay naman nang hearing ng Senado sa nangyaring Computer glitch sa BPI at Skimming Fraud ng ATM ng BDO, ang directive ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay i -upGrade na ang mga ATM Cards ng mga depositors. Ito ang chip-based technology para panlaban sa SKIMMING FRAUD tulad nang tumama sa BDO. Dapat ay mapalitan na ang magnetic strip-based cards sa EMV Card. Ang tinatawag na EMV ay ang “Europay Mastercard and Visa chip system.” Ito ang makabago at modernong ATM cards na gamit na ng mga depositors sa advance na Bansa. Ang pag papalit ng ATM cards ay nararapat at napapanahon na upang hindi na napag nanakawan pa ang ating mga Bank depositors ng kanilang hard-earned money.
Dir. Albayalde: Yes, tama po yan. Meron po tayong anti-cybercrime group, doon po sila nakikipag-ugnayan. At meron po tayong job track, doon po sa mga bank robbery and considered po yan as parang bank robbery. At yung ganyang mga klaseng insidente, yung anti-cybercrime group po natin ang nagiimbestiga sa mga ganto.



ROLE OF CCTV
Rey: Itong mga ATM machines na ito na nasa labas po physically ng mismong bangko [at] accessible sa depositors, sa public. Supposedly nasa jurisdiction din po ng NCRPO, ‘Di po ba?
Dir. Albayalde: Yes, tama po yan. I think meron pong kanya kanya CCTV yan. They should provide us with the CCTV para po ma-identify kaagad yung facial profiling o yung facial recognition para po makatulong ng mabilis yung mga local police. Meron pong mga CCTV yan, yung mismong harap nung ATM machine para kuhang kuha yung mukha nung nagwi-withdraw. At ma identify po natin yong mga suspect sa skimming fraud na yan.
LACK OF ACCOUNTABILITY CAN CORRODE PUBLIC RESPECT
Sa aming interview ni NCRPO Director Oscar Albayalde binuksan ko sa kanya ang isa pang pangyayari na nakawan sa Resort World Casino, na ang mga biktima ay yong mga nangamatay na biktima ng suffocation sa kasagsagan ng crisis sa gusali ng Resort World. Pinagnakawan sila nang kanilang mga valuables, tulad ng relong Rolex, wallet at ATM cards.
Dir. Albayalde: Yes, tama po yan. Yun pong mga unang nakahawak o unang nakapag-retrieve dun sa mga katawan ng biktima na yan, ang proseso po kasi diyan, ang una pong nakakuha sa kanila sa casualties o yung mga namatay sa loob ng Resorts World ay yun pong mga personnel ng MMDA, yun pong Red Cross, yung pong Bureau of Fire at saka yung Emergency Medical unit ng Resorts World. Ang sistema po diyan, sila ang nag-retrieve, una sa may second floor. At ibinaba po yan sa lobby kung saan nandoon na po naghihintay ang ating mga SOCO. Bago po galawin ng SOCO yan ay pi-picturan ng mabuti, covered with pictures po yan and documents. So kung ano ang na-turn over po, yun lang ang marereceive ng ating SOCO. From the SOCO, pipicture-an po yan kukunin yung kung ano man ang mga personal belongings na makukuha dun sa mga casualties na namatay at ituturn over naman po sa mga imbestigador yan. So from the SOCO to imbestigador, meron pa pong nawala dun probably yung mga kapulisan natin yung may problema. Pero yung from the recovery o from the retrieval hanggang dun sa pagbaba sa lobby, walang kinalaman ang ating mga kapulisan jan. So kung ano lang ang tinurn over sa SOCO, yun lang din po ang ituturn over ng SOCO sa ating mga kapulisan.
Ngayon kung may naturn-over po dyan, kung talagang may Rolex po yan atska ATM na sinasabi sa imbestigador [o] sa imbestigator on case, may problema po yung imbestigador natin. At yan po ay
pagiimbestigahan natin ng mabuti kung yung mga kapulisan natin ay may kagagawan o hindi.
Rey: Director, hindi ba ang kalakaran sa crime scene pa lang hindi na ginagalaw yung mga biktima o bangkay ng biktima hangga’t di pa dumadating itong SOCO?
Dir. Albayalde: Depende po kasi yan sa pangyayari, remember po yan sa Resorts World, napakahirap pong akyatin yan kung wala kang gas mask [o] breathing apparatus, dahil sa kapal pa po ng usok dun. Although tama po yan kapag gaya ng mga shooting incident talagang hinihintay po ang Soco kailangan lang i-contain yung area [o] i-cordon yung area para po hindi ma- alter yung ebidensya.
SUMMATION
Ang pagiging accessible sa media ng leader ng isang tangapan tulad ng NCRPO ay napakahalaga. Ang marinig ang kanilang tinig at paliwanag sa mga kaganapan ay importante laluna sa panahong ito na usong uso ang fake news, upang mabura ang agam-agam at pangamba ng mga mamamayan.
Ang kakulangan ng pamunuan nang Philippine National Police ay napupunuan sa leadership na pinapakita ng NCRPO Chief.
Laluna sa panahon ng tinatawag na Anxiety, dito lalung kinakailangan ang PNP leadership, ang pagiging visible ng isang katulad ni Director Oscar Albayalde upang kahit na sa kanyang level, mula sa sariling bibig manggaling ang mga decisive actions at pagkilos na ginagawa ng pamunuan ng PNP laban sa krimen at terrorismo.