Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

RESORTS WORLD CASINO SECURITY LAPSES, PART 2

$
0
0

SOSIA’S JURISDICTION

Malawak ang ginawa naming pagtalakay sa issue nang Security lapses nang Resorts World Casino. Tulad din ng issue sa jurisdiction ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga casinos na nasasakop naman ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang Security Agency sa ilalim nang Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ay may boundary rin at hindi sumasakop sa buong Casino.

Ang SOSIA ay may mandato na mag administer sa operation ng mga security agencies. Ito yong nag tatayo ng security agencies na lisensyado na galing sa SOSIA. Sila ay mayroon ding administrative responsibility sa mga cases involving security agencies at security guards.

Sa aming “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” na linggohang napapanood sa PTV4, 8-9pm at live na napapakingan sa DZRJ 810khz ng alas nueve (9am) ng umaga tuwing miyerkoles isa sa aming guests ay si PS/Supt Brandi Usana Deputy Chief ng SOSIA.

PS/Supt. Usana: Yung nangyari po sa Resorts World of course dahil ang security agency na responsible don yung nc lanting, sila yung service provider ng Resorts World, iba pa yung internal security ng hotel at ng casino na hindi naman saklaw sa mandato ng SOSIA. So ang hinawakan lang namen ay yung security agency.

Nagkaroon ako nang pagkakataong mariview nang maka ilang beses ang CCTV nang gusali ng Resorts World. Isang bahagi sa video ay yong babae na humabol sa lone gunman na si Jessie Carlos, nang ito ay tuloy tuloy na pumasok sa entrance ng casino na hindi nag daan sa metal detector.

LADY SECURITY

REY: Yung bang babae na naka-barong na yon ay security ng casino o security ng building?

PS/Supt. Usana: Sa NC Lanting ho, yung private security agency na hinired ng resorts world, sila po yung security service provider sa perimeter pati sa parking. Wala po silang access duon sa casino. Sila rin po yung nakikita sa CCTV na una pa lang na lady guard na nilampasan nang gunman.

REY: So may jurisdiction po kayo dyan?

PS/Supt. Usana: Yes sir.

SECURITY LAPSES

REY: Ok, doon sa initial imbestigasyon na sinakatuparan po ng SOSIA, meron po bang security lapses?

PS/Supt. Usana: Meron po, base po sa initial investigation lumalabas po kasama na rin yung CCTV footages na meron pong liability yung security personnel na on post. Una na po they violated yung security guard uniform when they applied for special set of uniform, yun nga po yung naka barong which we denied, still naka suot parin sila ng barong.

REY: Ang isang area ruon na nakita kong medyo kritikal, ay una babae po siya na nasa front o entrance nang casino na wala pang back up. Tama po ba yon?

PS/Supt. Usana: Ah, yes sir, hindi nga po tama. Base na rin po sa investigation namin itong nc lanting ay responsible don sa perimeter ng mall security, tuwing day time mataas ang bilang ng kanilang security personnel accordingly 86 pero pagdating ng gabi from 7 to 7 in the morning nagbabawas sila ng mga security personnel. So that time when the incident happened iisa lang yung guard na naka duty at yung lady guard pa however because kahit sarado na yung mall dahil alas dose na nga yon bukas parin yung casino at doon parin pumapasok at lumalabas yung mga guest ng casino.

REY: Another area of concern, kuha sa CCTV nang ang lone gunman na si Jessie Carlos ay bumaba sa taxi tuloy-tuloy siya doon sa entrance sa kabilang dulo ng gusali nang resorts world na walang sumisita sa kanya, dahil walang security at nag tuloy tuloy siya sa elevator na may dala dalang back pack.

PS/Supt. Usana: Yes sir that’s right. Infact talagang accesible kahit kanino yung portion na yon ng Resorts World at isa yon sa findings namin na medyo lacks yung security don sa area na yon.

MEDIA ACCOUNT:

>12:46 PM
May mga putok na narinig at nag panakbuhan ang mga tao sa casino.

Sa panahong yon ay may music Band pa tumutugtog sa ground level nang casino. Narinig pa na nagsasalita sa microphone ang singer-entertainer na si Bitoy na nag sasabing: “Don’t panic, don’t panic!”

>1:44 AM (1 hour ang interval)
dumating ang mga fire trucks at PNP

REACTION TEAM MISSING IN ACTION

Sa pagitan ng mga oras na ito naganap na ang panununog ng mga Gaming Tables at Slot Machines. At nag simulang lumaganap ang makapal na usok ngunit walang nakitang “Response Reaction Team” sa CCTV.

REY: Mayroon po ba o walang special response team ang Resorts World? Dahil wala akong nakita sa CCTV hangang sa manunog siya ng mga gaming tables.

PS/Supt. Usana: Accordingly they claim based on the investigation meron daw po sila, pero ito yung hindi waiting for any eventuality naka posting sila sa different location.

REY: Hindi lumitaw sa CCTV, hindi ko nakita ang kanilang mabilis na pag responde.

PS/Supt. Usana: That’s right kaya nga ang nangyari noon, dahil hindi nila alam kung paano sila mag rereact, walang command and control, wala silang crisis management initiative so that resulted in all these things. So onething that led to another nagkaroon na nga ng problema don sa loob na hindi nga sila naka access kase they are barred from getting to the casino.

JUDGEMENT CALL

Nakita ko rin sa isang video ang investigation na ginawa ng SOSIA sa ilang mga security guards na naka assigned sa gusali ng Resorts World. Isa sa mga security guards ay may statement na kahit na siya ay may dalang baril sa panahong iyon ay hindi niya kinonfront ang lone gunman dahil natatakot siya na baka ito ay mamaril at maraming civilian ang tamaan. Ito ay isang judgement call na ginawa nang isang guard base sa kanyang binigay na statement sa sosia investigation.

REY: Ito po bang pangamba ng guwardya na baka mamaril ang lone gunman at marami ang madamay ay lehitimo at tamang sagot?

PS/Supt. Usana: Kung titignan niyo po yung security perspective ng mga owners ng mga ganyang klaseng establishments, malls, hotels even resorts as much as possible yung kanilang mga security personnel are not armed because ito po yung mga places na public convergence. Maaring judgement call on a part of the security guard pero through enough maaaring wala din nangyari mas matinding sakuna kung ang inisip ng gunman dahil binabaril din siya magpaputok din siya kahit kanino na lang. So, yun ang nakikita natin na resulta nitong hindi narin siya nakipag shoot out doon sa gunman itong guwardiya bagamat na hinihikayat din namin ang mga guwardiya to be responsive pagdating sa mga situation na kailangan din nilang i-protect yung lives and property pero sa pangyayaring ito pinili ng guwardiya na hanggat maaari wag nalang siya makipag shoot out don sa gunman.

ABILITY AND CAPABILITY OF SECURITY

REY: Kung sabagay ay napag uusapan lang naman nating ang judgement call. Kung sakasakali po na nagkaroon ng attempt at kung ready po ang isang security guard na alam nya ang kanyang role para i-prevent further ang tragedy, fatalities at casualties. Remember po ang namatay ay umabot po ng 37 plus yong gunman, 38. Siguro ay hindi na dumami pa ang mga namatay at nadamay kung mayroon siyang capability na i-handle ang situation. Bagamat yan ay isang malaking question mark pa rin. Kung mayroon siyang kakayahan to stop a perpetrator sa ganitong situwasyon.

PS/Supt. Usana: That’s right sir kaya nga don po yung liability ng security agency. Doon pa lang sana na-contain na yung pangyayaring yon. So yung quick reaction na kini-claim ng security agency must be cleared kung ganon ang training nila na kapag may ganong insidente. Dapat alam nila kung pano rumisponde. And then the other one, kung yung sitwasyon nung pumasok yung gunman dun sa casino na hindi jurisdiction ng security personnel. And that time, tumawag na rin yung security guard duon sa control room para macontact yung local police which accordingly rumisponde naman. At yung resorts world was claiming na rumesponde naman talaga ung mga police pagkatapos ng nangyari.

POLICE RESPONDED?

Samantala ayon naman sa ilang eye witnesses na nangaling mula sa loob nang gusali ng Resorts World ang romesponding mga pulis ay hindi makapasok sa dahil makapal ang usok at wala rin silang gas mask. Ang isa pang impormasyon na nakarating daw sa mga pulis ay may mga ISIS na naka pasok sa casino. Mayroon ding ilang nagbigay nang testimony na mayroon silang mga kasamahang na trap sa loob ng CR ng casino sa second floor. Na kinakatwiran naman daw ng ilang Pulis na ito ay clear na at wala nang mga tao sa CR sa 2nd floor.

>4:13am (after 2 1/2 hrs)
Lumabas ang balita na angulo ng Robbery

>5:45 am (another 1 1/2 hrs)
Ayon kay Chief inspector Molitas, ang gunman raw ay nasawi, due to “suffocation.”

>8am (After 2:15min.)
PNP Chief Dela Rosa says the gunman burned himself inside a hotel room on the 5th floor. Nauna rito sinabi sa Media na ang gunman was “killed by our troops.”

>9:50am (another 1hour and 55min.)
May iba pang mga namatay.

>11am (another 1hr)
Kinumpirma 37 VICTIMS ng suffocation ayon sa NCRPO.

EVIDENCE ON OVER-INDEBTEDNESS

Si Jessie Carlos ay sinasabing nalulong sa sugal kaya nag kaganito. Ang pagkakabaon niya sa utang ang isang malaking factor kung bakit siya naging aburido. Common knowledge na ang mga loan sharks ay naglipana sa loob ng casino, kilala ang mga ito ng mga regular players. Nag aabang nang mga talunan, kumakagat ang mga talunang Players sa 10% to 20% a day na pinapatong ng financier sa kanilang pautang. Madalas naahatak ang mga sasakyan o kotse ng players, umuuwi nalamang silang naka-taxi. Ang mga financier ang major cause kung bakit na susubo sa pag susugal ang mga players, kahit na ang hangad lamang nila ay mag libang . Tinanong natin si DOJ Sec. Aguirre sa bagay na ito.

REY: Since very vital ang issueng ito, sino ang puweding mag- over see rito? Anong department ng Gobierno, Finance? BIR?

Sec. Aguirre: Ang nangyari dito nakikita natin na isa sa may wrong jurisdiction dito ay ang pagcor, as a matter of fact they came up with the list of people na binarred nila from entering the casino one of them ito ngang si Jessie Carlos. So isa lamang aspect yan ng may jurisdiction dito. Ngayon yun namang tungkol sa pag proliferate ng mga loan sharks sa loob ng casino na nagcha-charge pa nga ng 20-30% per day, pero yung iba 20% per hour pa na tinutukso pa raw ng mga yan na kapag ikawy’ nakikitang natatalo talagang bibigyan ka pa ng mga chips na panibagong puhunan. Anyway yun po ay although ang ating batas ay inalis na ang pag a- outloan ng mga sobrang pag-charge ng interest but the supreme court stated na although wala na yang cap ng interest dapat ay hindi naman dapat exorbitant or unconscionable yung interest na binibigay kaya dapat siguro itong ating mga police agencies na ito ang pagpapautang ay dapat na che-check nila kung meron silang lisensya. So it should be either in the Department Of Finance o sa Security And Exchange Commission or even before the Central Bank but apparently it is suppose to be under the jurisdiction ng Security And Exchange Commission yung mga lending activities. Hindi kayo maaaring magpautang ng business going to business of lending without the proper license to do that.

PRINCIPLE OF RESPONSIBLE GAMING

Samantala ayon naman kay Atty. Joey Tria, Assistant to the Chairman And CEO ng PAGCOR sa ating ginawang pakikipanayam sa kanya sa Insider Exclusive hindi na raw nila papayagan ang mga Financier o loan shark na ito na makapasok sa loob nang gaming area ng Casino.

Ang ilan sa mga high roller player daw ay nag sisilbing mga Financier o nag papautang din kapag sila ay nalalapitan. Bagamat may roong ginagawa talagang career ang pagpapautang in the guise of being a player. Ngayon ay babantayan na nila ang mga ito at hindi na nila papayagan pang maka pangbiktima nang mga manlalaro at nag lilibang sa Casino. Ang hangarin daw nila sa Pagcor ay hindi upang manghikayat na mag sugal kung hindi ipatupad ang principle of responsible gaming. Pumunta lamang sa Casino kung may libring oras at kung gustong mag libang. Hindi inihikayat na mag laro ang mga may problema, may sama nang loob at hindi dapat nag bababad sa gaming area upang hindi nalululong sa sugal.

PENALTY IMPOSED

Samantala pinaliwanag ni Secretary Aguirre kung anong penalty ang nag ihintay sa mga katulad nang Resorts World Casino kung mapatunayang ito ay guilty sa criminal liability .

Sec. Aguirre: Ang crime po na iaahain natin dito ay reckless in prudence resulting to multiple homicide, damage to property and physical injuries. Pag ganyan po na mayroong namatay na negligence, at least 6 years ang minimum penalty niya kung parurusahan. Yon pong officers and management responsible for the operation of the establishment. Usually po ito po ung mga principal officers and members.

SUMMATION

Marami tayong puweding matutunan sa pangyayaring ito. Bagamat very expensive lesson to learn dahil nga sa buhay pa nang tao ang mga binuwis. Ang palagi na lang nating wish sa bandang huli ay huwag nang maulit pa ang malagim na pangyayaring katulad nito.

Sana seryosohin ng mga kinauukulan, nang establishment, nang kanilang officers, nang mga security, at nang ating kapulisan ang mensahe na nakapaloob sa ating talakayan upang hindi na maulit pa o ma minimize ang kahalintulad na trahedya na ating naranasan. Ang true to life na pangyayaring ito ay posibling mangyaring muli, kanino man, saan mang dako, wala pinipiling lugar, oras o araw.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles