Nagpalabas na ng kautusan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sinususpindi ang Provisional License na unang ibinigay sa Travellers International Hotel Group na mag operate ng casino at iba pang gaming facilities sa ilalim ng business name nang RWM.
Ang suspension ay mananatili hangang hindi naiwawasto ang nangyaring kamalian o serious security lapses at deficiencies ng casino na naging dahilan ng kamatayan ng 38 katao at pagkakasugat ng 54 na iba pa, at ito ay nag bigay nang hindi magandang imahe sa Philippine gaming, tourism at hospitality industries.
NBI INVESTIGATION
Sa aming “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” na linggohang napapanood sa PTV4, 8-9pm at live na napapakingan sa DZRJ 810khz ng alas nueve (9am) ng umaga tuwing miyerkoles isa sa aming guests ay si DOJ Secretary Vitalliano Aguirre II. Tinalakay namin ang mainit na issueng ito ng Resort World Casino. Una napag usapan namin ang tungol sa kanyang pinalabas na directive sa NBI na imbistigahan ang mga pangyayari sa Resort World.
REY: Secretary Aguirre Sir, kaugnay ng case build up sa pangyayari sa Resort World, ano na ang ating up date dito?
Sec. Aguirre: Salamat Rey, yun pong ating nbi ay tuloy tuloy ang investigation pero nung bigyan ko sila ng directive last time ay i-focus nalang nila ang investigation doon sa mga liabilities whether criminal, civil or administrative nung mga involved dito sa nangyaring insidenteng ito, sapagkat alam naman natin na wala na yung terroristic angle don kay mr. Jessie Carlos sapagkat parang lumalabas na siya ay isang lonewolf or only a gambling addict kaya’t pagtutuunan ng nbi ang liability ng mga may ari ng building, may ari ng establishment, liabilities ng mga government officials at siguro sabi ko establish narin lang identity nitong nasunog, na nakuhang sunog na tao na para i-identify natin kung pareho lang sila nung yun talaga yung katawan ni Jessie Carlos.
JESSIE CARLOS DNA TEST
Ipinag-utos ni Sec. Aguirre na gawin ang DNA sa labi ng lone gunman para matiyak na ito nga si Jessie Carlos ang, sinasabing dating empleyado ng Finance Department na nalulong sa sugal at nabaon sa pag kakautang.
At upang malaman rin ang tunay na kinamatay nito. Kung inyong maaalala ang unang iniulat na sanhi ng kanyang kamatayan ay suffocation lamang, nasundan pa na ang dahilan daw ay PNP Swat assault, sa bandang huli ang report ay ang kanyang pagpapatiwakal at pag sunog sa sariling katawan at pag baril sa sarili. Ayon kay Sec. Aguirre ang lahat nang ito ay kanilang lilinawin sa ginagawang imbistigasyon ng NBI.
BFP vs PEZA ON FIRE CODE OF THE PHIL.
Aming tinalakay ni Secretary Aguirre ang hingil sa opinyon ni dating DOJ Secretary Laila Delima nang ito ay nagpalabas ng legal opinyon taong 2014 hingil sa pag babawal sa Bureau of Fire Protection na makialam sa mga Casino establishments sa pag implement ng batas ng Fire Code of the Philippines.
Ang Solaire Casino ay humingi rin ng legal opinion sa DOJ sa issuing ito na mga Casino establishments na nasasakupan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Sec. Aguirre: Doon po sa sinasabing batas ng PEZA, doon sa 7916 na nagki-create ng PEZA, phil. Economic Zone Authority ay sinasabi doon na merong karapatan ang PEZA na magtayo ng isang fighting, fire fighting unit force para don sa pangangalaga nitong mga companies na registered sa PEZA itong mga nasa ecozone, itong mga casino sa Pasay. So pinagtalunan po don kung sino ba talaga ang may jurisdiction na magpatupad ng Fire Code Of The Phil. It’s IRR o Internal Implementing Rules And Regulations. Naging desisyon po ni Sec. De Lima ay ang PEZA.
Ito po ay naging kataka taka sakin sapagkat alam naman natin na ang PEZA ay wala namang kakayahan or expertise or experience na magpatupad ng ating fire safety standards kaya po napag alaman ko po na parang itong Bureau Of Fire Protection natin ay parang natakot because of legal opinion na ipaglaban yung kanilang karapatan under the law na sila talaga ang may karapatang mag implement dito. Sapagkat natatakot sila dahil lang sa malalakas na tao, malalakas na impluwensya nitong mga may ari ng mga establishments lalong lalo na itong mga casino.




ERRONEOUS LEGAL OPINION
REY: So, Kaya ngayon ito ay isa sa pino-problema kung sino ang may jurisdiction na mag iimbistiga sa mga issue nang Sprinkler, Fire Alarm, fire Smoke na pumatay sa 37 katao at standard fire exit ayon sa specification ng Fire code of the Philippines.
Sec. Aguirre: Ganoon nga po, actually because of that opinions, issued by Sec. De Lima 2014 ay hindi na nakialam ang bfp talagang parang nagkaroon ng role sa pagpapatupad ng fire code of the phil. Ay ang PEZA na mula noong 2014. So nangyari na nga tong nakaraang insidente sa resorts world, na wala pong pakialam ang BFP kundi po nasa pangangalaga po yan ng PEZA.
So merong nag call sakin ng attention nyan kaya’t po aming pinag aralan yung opinion ni sec. De Lima nong 2014 at napag alaman po namin na talagang very erroneous ang legal opinion. Matatandaan po natin na ang head ng PEZA noon ay yung tiyahin ni sec. Laila De Lima si Atty. Lilian De Lima, so from there, from that time sila na ang nakakaalam dyan sa pagpapatupad ng batas ng fire protection code.
Samantala humingi ang PEZA ng pahintulot kung puwedi silang makipag joint Memorandum of Agreement sa BFP. Sa ginawang pag aaral ng DOJ kanilang binago na ang rules, binaligtad na nila ang opinion ni dating Secretary De Lima, nag issue na ngayon si Sec. Aguirre ng contrary opinion na nag sasabi sa Republic Act 9514 na ang batas na nkapaloob dito na may kaugnayan sa fire code ay refilled na o pinawawalan na ng bisa. Hindi na puweding makialam ang PEZA, maaari nalamang silang makipag tulungan at ang magiging implementing Unit dito ay ang Bureau of Fire Protection sa implementation ng Fire Code Of the Philippines.
LATEST ON PORK BARREL SCAM & DAP
Sa huling bahagi nang ating “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” tinanong ko kay Sec. Vitalliano Aguirre ang hingil sa ilan pang mga mambabatas na idinadawit ni Janet Lim Napoles sa issue ng Pork Barrel Scam. Walang kagatol-gatol na sinagot niya na may Isang daan at dalawampu (120) pang mga mambabatas ang kakasuhan sa linggong ito.
Si Atty. Stephen David na abugado ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles ang nag sabi raw na this week (June 13-16, 2017) ready to file case na against sa additional legislators na involved sa PDAF, ito ang kanyang pag kakaalam, bagamat hindi pa raw official ang numerong 120. Samantala ang naging mabilis na reaction ko rito ay…
REY: “Baka magsara na ang Kongreso, sa dami niyan.”
Sec. Aguirre: Nagbibiro nga si Senator Ping Lacson, na baka raw sa Kampo Krame na sila susunod na mag- Session.
Tatlo (3) palang talaga ang formal na nasampahan ng kaso.
REY: Iyan ang PDAF, paano naman ang DAP o Disbursement Acceleration Program?
Sec. Aguirre: Sa DAP naman si dating Councilor Greco Belgica ang siyang magpa-file ng kaso.
Abangan ang “RESORT WORLD CASINO SECURITY LAPSES” Part 2