Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Interview with Erap

$
0
0

Sa bansang Korea namin naka one-on-one ni Kasanggang Jr Langit ang dating Pangulo ng bansa at ngayon ay Alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Joseph Ejercito Estrada.

erap interview

WISH AND DREAM

REY: Mr. President…

MAYOR ERAP:Ay Mayor na lang. Mayor mayor (laughs) na lang.

REY:Ok Mayor, kaya ba ho nating magaya sa Pilipinas itong nakita ninyo ngayon dito sa Seoul?

MAYOR ERAP:Nakakainggit. Sana  ito ay magawa natin sa Pilipinas upang makita nila na ang mga tao sa atin ay marunong din sumunod sa batas. Isa pa, napakalinis nitong Korea. Wala kang makikitang basura sa mga kalye o tabi tabi. Iyan ang ina-ambisyon ko na magawa natin sa Maynila. Pero siyempre, mahihirapan tayo ng konti dahil yan ang nakagawian na ng ating mga kababayan sa Maynila. Siguro naman eh kung makukumbinsi natin sila na ito ang dapat nating gawin, baka magbago naman sila, para sa kabutihan hindi lamang ng lungsod. Para sa kabutihan nilang personal na mamanahin ng kanilang mga anak.

FIRST IMPRESSION

JR LANGIT: Kaugnay po, Mayor, nitong inyong official/business trip sa Korea, ano po ang inyong naging first impression sa Seoul?

MAYOR ERAP:  Well siyempre, Jr, ang first impression ko kahit na nanggaling na ako noong araw dito, nagkaroon ako ng state visit pero hindi ko masyadong nakita itong Seoul. Hindi ako nakaikot, hindi kamukha ngayon halos naikot ko itong buong Seoul. Talagang masyado akong na-impress! Nagulat ako sa kanilang development (tulad ng) kanilang infrastructure, malalapad ang kanilang kalye. (May) peace and order, disiplinado ang mga tao lalo na sa traffic. Ni wala kang makikitang tao na nasa kalyeng makikipag-unahan sa sasakyan. Nandoon sila sa waiting shed, doon sila nag-aabang.

GRATEFUL TO KOREANS

REY: Bakit napasugod yata kayo dito sa Korea?

MAYOR ERAP:  Kaya ako pumunta dito sa South Korea ay upang bisitahin ang tanggapan ng kaibigan nating Global Goldgoal Inc (GGI).  Una, Pareng Rey, ibig kong personal na magpasalamat muna sa GGI na nagdonate sa lungsod ng Maynila ng 10,000 lamp posts na napakalaking bagay. Alam mo naman, Pareng Rey, na ang minana kong administrasyon ay bangkarote. Bankrupt, kaya timing na timing na nagdonate sila ng Solar Lamp Post na napakalaking bagay sa Lungsod ng Maynila.  Bukod sa maliliwanagan ang mga kalye sa Maynila ay makakatulong pa sa kapayapaan at katahimikan ng Lungsod ng Maynila.

COST OF ELECTRICITY

REY:  Tulad ng nasabi po ninyo, napakaling bagay ng solar sa panahong ito, lalo na ngayong sinasabi na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahal ang kuryente sa Southeast Asia.

MAYOR ERAP:  Yun na nga. Dati, ang Japan. Ngayon eh Pilipinas na. Masakit mangyari sapagkat mapipinsala niya ang mga industriya lalo na yung mga manufacturers. Kung mahal ang kuryente, siyempre makakabawas sa kanilang tubo kaya nagmamahalan yung produkto nila. Kaya sa halip na sa Pilipinas mag-invest ang mga dayuhan (ay) sa ibang bansa na (sila) mag-i-invest.

AMAZING!

REY: Supplier ng GGI itong malaking kumpanya na LG. May tie up ang dalawang ito, ano po?

MAYOR ERAP:  Nakakagulat nga. Sobrang laki ng kanilang factory. Nagulat ako. Talagang high-tech lahat. Nakita kong masyadong advance na itong LG at GGI. Masuwerte naman ako at nakarating ako rito. Nakita ko ng personal ang kapabilidad ng GGI.

TORRE DE MANILA

REY: Madako naman po tayo sa kontrobersiya ng Torre de Manila. Kailan po ba na-aprubahan ito, Mayor?

MAYOR ERAP: Ito ay panahon pa noong nakaraang administrasyon. Inaprubahan ng council ng nakaraang administrasyon at ng mayor noon. Pag-upo ko eh tumatayo na yan eh. Ayon sa imbestigasyon, hindi naman daw sakop ng Luneta yun at hindi rin nasasakop ng National Historical Commision (NHC). Medyo nasa lugar naman. Kaya lang nung imbestigahan namin, hindi kumuha ng zoning permit. Maraming hindi kinuha pero ngayon inaayos naman nila.

FINDING OF UP PROFESSORS

JR LANGIT:Kapag daw po tumingin ka sa harapan ng statue ni Gat Jose Rizal, hindi mo naman makikita ang Torre de Manila, pero limitado lang nga ang iyong anggulo.

MAYOR ERAP:Kanya kanyang pananaw iyan. Alam mo, ang findings ng mga propesor ng UP, gumawa ng study tungkol sa Maynila. Manila has the highest level of poverty. Manila has the most number of jobless people. Iyan ang mabigat na pasanin natin kaya kailangan talaga na mayroong mga imprakstrakturang itatayo, mga reclamation na lalagyan ng building para libo-libong tao ang magkakaroon ng trabaho at magbibigay ng malaking income sa lungsod ng Maynila.

PUBLIC WELFARE

JR LANGIT:  Lighter side naman po tayo, Mayor. Ano po ang nagustuhan ninyong pagkain nila dito sa Korea?

MAYOR ERAP: Depende, pero masarap naman ang kimchi…maanghang lang nga (laughs).

REY: Nabanggit ninyo, Mayor, ang tungkol sa kalsada. Iyun po bang problema natin sa Roxas Blvd., sa mga truck, eh na-resolve na ?

MAYOR ERAP:  Partially resolved na rin, pero marami pa ring resistance. Eh ganoon talaga kapag nag-i-introduce ka ng bagong pamamaraan para lumuwag ang kalye ng Maynila. Siyempre may mga resistance, may mga kumokontra, pero tayo naman kapag nagkaroon ng desisyon eh yung desisyon na para sa kabutihan ng nakakarami.

MEANT TO SMEAR HIS NAME

JR LANGIT:  Mayor, ano naman po ang masasabi ninyo tungkol kay VP Binay sa mga issues na hinaharap niya ngayon?

MAYOR ERAP:  Dahil siya ang pinakamalakas na kandidato sa ngayon, consistent, simulat- simula siya ang number No.1, eh pinipilit siyang sirain para magkaroon sila ng laban. Nagtataka lamang ako, baka pulitika lang yan, eh tingnan natin. Wala namang dapat ikatakot si VP Binay kung talagang wala naman siyang kasalanan at malinis naman lahat ng papeles, di’ba?

HYPOTHETICAL QUESTION

JR LANGIT:  Hypothetical question po, Mayor, kung sakaling bumaba po ang rating sa survey si VP Binay, hudyat po ba ito para kayo na ang tumakbo sa pagka-president sa 2016?

MAYOR ERAP: Puwede ba kitang sagutin sa wikang English? Sana maintindihan nils: “I’ll cross the bridge when I get there!”

THE JUETENG MONEY

REY:  Si Senator Jinggoy, kumusta po siya?

MAYOR ERAP: Well, si Jinggoy, eh oposisyon din katulad ng pamangkin kong si ER, yung Governor ng Laguna (na) napag-initan din, na-charge ng overspending. Alam mo, Pareng Rey, na experience ko na yan noong ako ay Pangulo. Ini-impeach ako tapos eh nung wala silang makita, matatalo sila sa kaso ng impeachment ko sa Senado, yung mga prosecutor nag-walk out nalang. Pagkatapos nilang nag-walk out, binuksan ang kontrobersiyang second envelope. Si dating Senate President Pimentel pa ang nagbukas. Walang nakita doon sa second envelope. Sa madaling salita, Pareng Rey, makikita iyan. Pati si Jinggoy isinama rin noon, wala namang kasalanan. Dalawang taon at kalahati nakulong si Jinggoy pagkatapos acquitted. O, biro mo? Kawawa naman ang bata. Pati walang kinalaman eh sinangkot din. Eh sa akin naman wala silang napatunayan na ako ay nagnakaw sa pamahalaan kundi dahil sa jueteng money na P200M, na nagbigay sa akin ay ang jueteng lord, si dating Governor Chavit Singson., na napunta naman sa Muslim Youth Foundation upang itulong sa mga scholars na nangangailangan.

CONSOLATION FOR THE 6 YEARS IMPRISONMENT

JR LANGIT:Sa kabila ng pagkakakulong po ninyo, anong consolation ang inyong natanggap, kung mayroon man?

MAYOR ERAP: Ang konsolasyon ko lang, Jr, bago namatay ang ating mahal na dating pangulong Aquino, publicly humingi ng tawad sa akin. Mali daw ang Edsa II. Birthday ni FPJ nagkaroon ng misa sa St. Peter’s church, katabi ko si Mrs. Susan Roces. Si Bishop Tobias, sa kanyang homily, nag-apologize sa akin in behalf of the catholic church: “We are apologizing to you and I hope someday you can forgive…”. So yun ang konsolasyon ko. Pero nakulong ako ng anim na taon at anim na buwan.

THE MESSAGE

JR LANGIT: Ano po ang inyong panghuling mensahe, Mayor?

MAYOR ERAP: Sa lahat po ng manonood, ine-endorso ko po itong programang “Kasangga Mo Ang Langit”. Matagal ko na pong kilala si Pareng Rey. Siya po ay sumikat dahil sa kanyang makatotohanang mga pahayag at pagbabalita. Ginagarantiyahan ko po na dito sa programang “Kasangga Mo Ang Langit”, talagang para kayong nasa langit. Mapapanalig (ka sa) kanyang mga sinasabi. Iyan po ang kumpare nating si Rey Langit.

QUOTABLE QUOTE

If a nation expects to be ignorant and free, in a state of civilization, it expects what never was and never will be. —Thomas Jefferson, 1816


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles