Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

PEKING PIYESA: SANHI NG KAMATAYAN AT NAKAKAPANAKIT NG TAO

$
0
0

May mga pag aaral na ginawa na ang isang dahilan ng aksidente sa lansangan ay dahil sa “Fake na Piyesa.” Ang fake na piyesa ay tumutukoy sa mga sasakyan tulad ng kotse, truck, at tricycle. Ang mga fake parts ng auto at tricycle ayon sa pag aaral sa abroad ang sanhi nang kadalasang mga aksidente na nag dudulot nang pagka sawi o malubhang pag kakasugat ng mga driver at pasahero nito.

Sa Pilipinas ay wala pa tayo ng mga facilities tulad ng ginagamit ng mga mauunlad na Bansa, tulad ng accident and fatality analysis kaya napaka hirap madetermina kaagad ang dahilan ng isang aksidente tulad nang paliwanag ni Atty. Noven Joseph Quioc sa ginanap na Presscon kamakailan (June 2, 2017).

Ilan sa mga piyesa nang sasakyan na madalas na pine-peke ay ang bearings, brake discs, break pads, axle boots at rubber rings. Ang mga ito ay iniuugnay sa kaligtasan ng mga pasahero at hindi lamang basta palamuti ng sasakyan.



Genuine Vs. Fake Parts


“Ang mga ginayang auto parts na ito bagamat hindi maiyahambing sa mga pine-peking gamot na mabilisan ang ipekto, ngunit ito ay nag dudulot din ng malubhang pinsala sa tao.”

Ang natuklasang pang gagaya ng mga Piyesa ng sasakyan ay may epekto hindi lamang pinsala dulot sa tao kung hindi nakapipinsala rin sa Auto at tricycle industry sa bansa, tulad nang naging pahayag sa Press conference kamakailan ni Ginoong Arnel Doria, President ng Safety Rider Association at Safe T Ryders Training Center. Nangangahulugan din ito ng kabawasan sa kita, taxes o revenue ng Gobierno, dahil ang mga gumagawa ng Fake parts ay hindi nag babayad ng buwis.

Gayon din apektado ang sales ng mga gumagawa nang orihinal na piyesa mula International hangang sa local. Marami ang hindi nakaka alam na mamimili, na ang kanilang nabibili ay fake pala, dahil sa halos walang pinag kaiba ang packaging nang orihinal sa fake.

Sa parts o piyesa ay mahahalata ang Original kung iyahambing sa fake. Halimbawa sa bearing, sa presscon pinahawak sa akin ang genuine at fake. Aking pinaikot sa daliri ang fake na bearing, may kabagalan ang ikot at inihambing namin sa original na smooth ang ikot at mabilis.

Nangyayari rin ito kapag ang isang consumer ay mag tutungo sa dealer of tindahan ng bearing kapag umabot na sa warranty period ang kanyang sasakyan. MagHahanap ito nang murang piyesa para maka-mura sa kanyang repair and maintenance nang kanyang sasakyan.

At mayroon ding pagkakataon kung saan alam nang isang consumer na ang kanyang binibili ay fake. Pero dahil sa makakatipid siya nang kalahati sa presyo ng Orihinal ay magdidisisyon itong bilhin ang Fake at hindi na isasaalang-alang ang kaligtasan ng mananakay.



Sa isinakatuparang magkakasunod na raid ng NBI sa Metro Manila, Cebu, Davao at Tagum nitong nakalipas na June 1 at 2, nakahuli sila ng napakaraming Fake Parts ng mga sasakyan. Tulad nang aming naging pahayag sa ginanap na media conference ang grupo ng Safety Rider Association of the Philippines

at Safe T Ryders Training Center, gayondin nang JTEKT Corporation gumagawa nang orihinal na mga piyesang – Koyo brand at nang KBP Metro Manila chapter ay mag sasakatuparan nang mga information campaign at events upang matulungan ang publiko sa mga nangyayaring ito, at tulong ng media sa mga coverages sa mga susunod pang raid ng NBI upang maisulong ang magandang Adbokasya at maiwasto ang mga maling gawa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles