Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

MINDANAO MARTIAL LAW

$
0
0

TIMELINE OF EVENTS
May 23, Tuesday

4:48pm

“Hindi pa alam kung anong grupo pero marami armado nakaupo sa kalye.”

5:05pm

“Taga Marawi nagtext bigay alam mo daw sa AFP.”

5:13pm

Hinala Maute Maute”

5:20pm

Gipatay daw ang guardya sa amaipakpak ug hostage mga nurse pero wla pa mga sundalo asa kaha cla? c pd Oscar Nantes asa ka diay wla pa responde.”

5:23pm

Eskwela simbahan sinunog.”

5:28pm

“Guerra na ngayon dito sa marawi nag babanatan na mga maute at sundalo.”

5:30pm

May ilang sundalo lang ilan lang surprise attack hospital target nila.”

5:36pm

Salamat bosing ibato ko dyan development.”

SEQUENCE OF EVENTS

Araw ng Martes- May 23, nang mag simulang tumangap tayo ng mga text messages mula sa ilan nating local media mula sa Marawi at Iligan. Ang ilan sa mga naunang mensahe na ating tinangap ay mula sa text messages na nangaling kay Mr. Ely Barcelona na Publisher ng Mindanao Inquirer nang pasukin ng Maute group ang Marawi. Mabilis na nakipag ugnayan naman ang ating himpilan (DZRJ 810khz) sa mga kinauukulang opisyal, bineripika ang mga pangyayari at isinahimpapawid ang mga sumunod na report. Sa mga sandaling yon ay pinabatid ko na rin kina PCOO Sec. Martin Andanar at Sec. Bong Go ang mga pangyayari sa Marawi habang sila ay nasa Bansang Russia. Nang gabi ring yon ay nag disisyong mag diklara ng Martial Law ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa Mindanao habang siya ay nasa Bansang Russia.

UPDATE

Sa ating ginawang pakikipanayam kay B/Gen. Restituto Padilla ng AFP sa palantuntunang pang Radyo nitong nakalipas na biernes (May 26,) sa ating Kasangga Mo Ang Langit 10am sa DZRJ 810khz, 8 TriMedia Network.

Ibinigay niya sa atin ang pinaka update sa situwasyon ng Marawi:

Brig. Gen. Padilla: Nakapokus po tayo ngayon sa tinatawag na clearing operations. Karamihan po ng mga tropa natin ay nakapasok na unti-unti pong sinisigurado na yung bawat sulok ng siyudad na iyan ay wala ng terorista.

Inalam natin kung nakaalis na lahat ng mga Maute sa natitira pang tatlong Barangay ng Marami kung kaya may clearing operation na ang AFP.

Brig. Gen. Padilla: Ay hindi po may naiiwan pa pong pocket of resistance dyan sa lugar kasi may prinoprotektahan po sila na kanilang leader. Yan ay ginagawa nila kaya di nila iniiwanan itong ibang lugar dito.

CLEARING OPERATION

Patuloy pa rin ang AFP clearing operations habang sinusulat natin ang column na ito.

Kanilang prayoridad na siguruhin na kahit na isang terorista ay walang maiwan sa siudad ng Marawi. Puspusan ang ginawa nilang pag pasok mula umaga noong huwebes sa Marawi. Walang humpay na bakbakan ang naganap hangang gabi ng huwebes.

Brig. Gen. Padilla: Sinalubong na po tayo ng putok at sunod sunod na pagsagot ng mga kalaban na ito. Pero sa ginawa nating operasyon kahapon, nakapatay po tayo ng dise-otso pang terorista at nakarekober pa tayo nang lima pang armas.

FATALITIES NG TERRORISTS

Ang tinukoy na labing walo (18) na napatay na mga terorista ay naganap sa may Manggulo Area noong umaga ng huwebes. Nang tumawid sa isang tulay ang pangkat ng AFP , dito na nag simula ang walang humpay na palitan ng putok. Mag hapon ang naging labanan, nasa vantage point ang mga terorista noong una. Naka deploy sila sa mga strategic areas. Kaya umabot nang mag hapon bago mapasok ng AFP ang area.

REY: Ilan na ang bilang ng mga casualties, as of now?

Brig. Gen. Padilla: Ang bilang po ng kalaban na napapatay na sa kasalukuyan trenta’y-uno (31) na, at ang narekober po natin kahapon ay karagdagan na lima plus yung dalawa nong nakaraang araw. So pito na po. Kahapon pito po ang nasugatan sa hanay natin. Pito pa ang sugatan at nadagdagan ng anim na namatay na mga sundalo. At ang batid ko, meron pa pong nakuhang lima armas pa ulit. Kaya naging 11 na po ang total number of firearms.

AFP AND PNP CASUALTIES

Bagamat hindi pa matiyak kung gaano pa karami eksato ang nalalabing mga terorista, malaki na rin sa panig ng Maute ang mga nangalagas.

Sa patuloy na clearing operation ay naririnid pa rin paminsan minsan ang putok ng baril sa Marawi. Samantala sa panig naman ng Pulis at Kasundaluhan ay may nag buwis rin nang kanilang buhay.

Brig. Gen. Padilla: May kapalit po itong ginawa nating operasyon sa panig po ng kapulisan at kasundaluhan. May onse (11) na po tayong napatay na sundalo sa patuloy na bakbakan, at dalawang (2) pulis na sa mga unang saglit ng bakbakan ay sila ang naging casuality ng ating pamahalaan. Umaabot na rin sa 39 ang sugatan sa panig ng kasundaluhan, silang lahat naman ay naitakbo sa takdang oras at nabigyan nang wastong lunas sa mga ospital na pinagdalhan sa kanila.

SURGICAL AIRSTRIKE !

Mayroon ding naitalang mga casulaties sa panig ng sibilya:

Brig. Gen. Padilla: Meron po kaming nakuhang mga balita na mga civillian casualties. Pero patuloy pa rin po naming inaalam at hindi po namin maipamigay ang identity po dahil ang atin pong pokus ngayon ay nakatuon sa clearing operation. Nag sakatuparan rin nang mga Surgical Airstrike ang AFP habang isinasakatuparan ang kanilang clearing operations bilang suporta sa tuloy tuloy na pagpasok ng tropa ng kasundaluhan.

REY: Nabanggit po ninyo ang surgical airstrike, dahil kase ito pong si Mayor Majol Gandamra ng marawi ay umaapela na kung maaari raw ay hindi malalakas na pampasabog dahil nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang mga constituenties.

Brig. Gen. Padilla: Wag po kayong mag-aalala, at atin pong kinokonsidera lahat ng ating kailangan para sa ating mga kababayan sa lugar ng marawi. Kaya nga po sinasabi natin surgical ang ginagawa nating pagsugod dahil ayaw nating magkaroon ng kahit anong collateral damage.

MASSACRE ?

Ayon pa kay B/Gen Padilla alam nila na nanganganib ang buhay nang mga sibilyan sa ganitong mga pangyayari, kaya ito ang pinagkakaingatan nila na hindi magkaroon ng collateral damage at maiwasang masira ang kanilang mga ari-arian na naipundar. Samantala, kaugnay naman nang nabalitaan nating mga kristiyanong sibilyan na walang awang pinag papatay, itoy ay ibinahagi rin sa atin ni AFP B/Gen Restituto Padilla.

Brig. Gen. Padilla: Ito pong naireport na civillian casualties ay isang grupo po ng mga kababayan natin na hinarang lulan ng isang sasakyan. At ang batid po natin ay sila po ay pawang mga kristyano. At sila po ay pinagtatali, pinagpapatay ng walang awa. Ayan po ang nakuha natin at kinakailangan pa po nating ivalidate yan.

ATTEMPT ON 103rd BRIGADE?

Inatasan na raw ang kapulisan upang hanapin at irecover ang mga labi nang naturang sibilyan at ma identify ang mga kawawang biktimang ito ng mga terorista. Naiulat din ang ginawang pag papaulan ng bala sa kampo ng 103rd Brigade hindi kalayuan sa Marawi City.

REY: Binalak ba nilang pasukin ang 103rd brigade?

Brig. Gen. Padilla: Wala pa po tayong nakuhang ulat tungkol diyan. Ang nakuha po nating ulat kahapon ay as of 12 midnight kagabi, wala naman pong sinasabi na may nagbalak na pumasok sa kampo. Ang sistema ng kanilang No Let-up operation laban sa Maute terorist group ay tuloy tuloy na banat. At kanilang prioridad ngayon ay siguruhing matangal ang bawat terorista sa loob ng Marawi. Sinisikap ng AFP na walang maiiwanan kahit isang kasapi ng Maute group sa loob ng siudad.

POSSIBLE NEGOTIATION

Tinanong rin natin kay B/Gen Padilla ang possibility na mayroong miyembro ng Maute na masukol nang kasundaluhan at gustong sumuko o makipag negotiate kaya para makaalis nang ligtas.

Brig. Gen. Padilla: Wala hong problema. Mas mainam po kung magkakaroon ng ganyang mga development. Atin pong dedesisyunan yan kung meron pong magnanais.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles