Sina Francisco at Jacinta Marto ng Fatima ay ganap nang santo ngayon. May 100 taon na rin ang nakalilipas nang mag pakita ang apparition ng Birheng Maria sa tatlong pastol sa Fatima. Ang dalawa sa kanila ay sina Francisco at Jacinta Marto.
May 13, Apparition Day
Pinangunahan ni Pope Francis ang kanonisasyon, nagkaroon ng concelebrated mass ang Santo Papa kasama ang may 100 pari at cardinal. Ginanap ang misa sa apparition site sa Fatima, Portugal nitong nakalipas na sabado, May 13, 2017. Sa mga hindi nakakaalam ng significance ng May 13, 1917 (100 yrs. ago) ito ang petsa nang pagpapakita nang apparition. Tuwing ika-13 ng buwan ng Mayo noon, nagpapakita ang Birheng Maria sa Fatima, Portugal.
Worthy Of Belief
Ang third child o ikatlong pastol na nakakita rin kay Virgin Mary habang sila ay nagpapastol sa kanilang mga alagang tupa ay naiulat na patungo na rin sa Sainthood. May kalahating million na mananampalataya ang dumagsa sa Bayan ng Fatima sa north of Lisbon, sa ginanap na seremonya nitong nakalipas na sabado. Mga Roman Catholic pilgrims ang dumating sa Fatima Sanctuary mula sa ibat ibang mga Bansa tulad ng China, Pilipinas, East Timor, at kalapit na bansang Spain.
Ayon kay Pope Francis: “Whenever we look to Mary, we come to believe once again in the revolutionary nature of love and tenderness.” Bago pa maganap ang canonization ang naitalang apparition sa Fatima ay opisyal nang naidiklarang “Worthy of belief” ng Simbahang Katolika.




Our Lady Of The Rosary
Muling nanariwa sa aking alaala ang ginawa naming media coverage sa Fatima, Portugal kasama ko ang “Biyahing Langit” (Ptv4 Show w/ JR Langit) team at kasama ang namayapa na nating anak na si Reyster. Pumasok kami mismo sa Chapel of Apparitions ng Fatima. Ang kapilyang ito ay itinayo sa lugar kung saan naganap ang mga apparitions noon ni Virgin Mary. Sadyang kakaiba ang iyong madarama habang ikaw ay naroroon sa loob ng kapilya, dama mo ang ganap na kapayapaan. Dito nagpakita ang apparition ng isang babae na puting puti ang kasuotan at nakalutang sa may kaulapan, ito ang “Our Lady of the Rosary.”
Miracle Of The Sun
Ang Fatima ang kinikilalang Sanctuary o pilgrimage site ng mga mananampalatayang katolika mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Ayon sa istorya siya’y naging sugo ng Panginoon upang ipalaganap ang pagdarasal ng rosario, ang pag titika at pag seserbisyo para sa Panginoon.
Nagpapakita ang apparition tuwing ika-13 ng buwan mula buwan ng Mayo hangang Oktubre taong 1917. Ang huling pagpapakita ay naganap noong ika-13 ng October 1917 kung saan sinaksihan ng may pitumpong libong (70,000) pilgrims ang “Miracle of the Sun”.
3 Secrets Of Fatima
Dito rin naganap ang tatlong mensahe o three secrets ng Our Lady of Fatima. Serye ng tinaguriang apocalyptic visions at prophecies.
- Ang Una ay ang impiyerno, kung saan mapupunta ang mga makasalanan.
- Ang Pangalawa ay ang simula ng Second World War.
- At ang Ikatlong sekreto ay naging pala-isipan ng pigilan ng Vatican ang pag sisiwalat nito noong 1944. Ito ay may kaugnayan sa sinasabing end of the world.
Ang nakakaalam ng secret na ito na pagka-gunaw ng mundo ay si Dos Santos, na naging isang madre.



Angel’s Visit
Ang mga apparitions ay naganap sa itinayong simbahan na ito sa aking likuran, na makikita sa larawan. Noong una ay nilagyan nila ng arkong kahoy o wooden arch ang bahaging ito sa Cova da Iria, na nag silbing palatandaan ng mga apparitions. Ang bahaging ito naman na pinag titirikan ng mga kandila (makikita sa larawan) para sa mga nag aalay ng dasal sa mga may karamdamang mahal sa buhay -dito sa lugar na ito ng kanilang kabataan madalas na nakikita ang tatlong pastol ng mga tupa na sina Lucia, Francisco at Jacinta.
At si Sister Lucia ang gumunita sa ginawang pag bisita ng isang Angel ng maka-tatlong beses sa kanya at kanyang mga pinsan, naganap sa pagitan ng Abril at Oktubre ng taong 1916. At dito rin nag simulang dumagsa ang mga faithful o mananampalataya, na ngayon ay isa nang pilgrimage site na dinarayo ng libo-libong katao na nagmumula pa sa ibat-ibang dako ng mundo.
Once In A Lifetime Experience
Si Saint Pope John Paul II ang unang nag-beatified sa tatlong pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta na maging ganap na Santo noong Mayo 13, 2000. Habang sinusulat ko ang artikulong ito, malinaw na malinaw sa aking alaala ang vivid recollection ni Pope John Paul II nang siyay makaharap ko.
Sa isang Easter Sunday mass sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Rome noong April 1984, naganap ang “once in a life time experience” sa buhay ng isang ordinaryong tao na tulad ko ang mag-communion sa isang Santo Papa at ngayon ay isang ganap na Santo.
Sanctuary Of Fatima
Ang Portugal ay isa sa 20 mga Bansa sa Mundo na paburitong bisitahin. Mayroon silang average na 13 milliong turista na dumadalaw sa bawat taon.
At dahil sa apparitions ng Blessed Virgin Mary sa tatlong batang pastol. Ang Sanctuary of Fátima ay isa sa pinaka malaking Roman Catholic shrines sa buong daigdig na palagiang binibisita ng turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.