Makalipas na ma-reject si Environment Secretary Gina Lopez ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) tayo ay nag karoon ng pagkakataong makapanayam siya sa ating Program na “Kasangga Mo Ang Langit ” 10am sa DZRJ 810khz.
Quashed The Dream Of Filipino’s For Social Justice
Ang sinasabing pag asa na social justice ay na “quashed” o naglaho nang e-reject nang mga mambabatas ang appointment ni Sec. Gina Lopez.
Paliwanag ni Sec. Gina sa aking pakikipanayam, sinisisi ba siya dahil gusto niyang bigyan ng pera at matulungan ang mga magsasaka?Bakit hindi sisihin ang mga mining companies na pumatay sa livelihood o kinabubuhay ng mga maliliit na mag sasaka at mang ngingisda sa napakahabang panahon na.
Si Lopez ang unang lumaban nang puspusan sa mining industry sa kanyang sinasabing paninira ng mga ito sa kalikasan. Sa mahabang proseso ng hearing ng CA naging matigas ang paninindigan ni Sec. Gina sa pag banga sa mga malalaking Mining Companies na kanyang pinasara.
The Crusader
Tinanong ko sa kanya ang sinasabing pagiging crusader niya ay hindi dapat ina-apply dito. “Being secretary is not like being a crusader. Being secretary is balancing the needs of different sectors in society.”
Ang pinaliwanag niya, ang kanyang pinakikipag laban niya dito ay hindi pansarili, kung hindi ang tinatawag niyang “green industries” para sa mga farmers at fishermen. Upang mag karoon daw ng green economy, na kapakinabangan ng bawat filipino, at hindi raw nag iisa rito.


Psychological Pain
Nasaktan siya sa pagkaka-reject sa kanya ng CA, at binangit niya na iba ang sinasabi sa kanyang harap at ibang ang ginagawa nang mga mambabatas na ito sa talikuran. “Naiinis lang ako sa Commission on Appointments, hindi nila iniisip ang kabutihan ng mamamayang Pilipino and then they are telling me na wala raw akong experience?
Ramdam ko na gustong maiyak ni Sec Gina habang kausap ko siya sa On the Air, garalgal na ang kanyang tinig.
Hindi lahat nang aking tanong ay naging seryoso.
I Believe I Can Fly
Rey: Bakit naman napili mo na maging theme song ang awiting “I Believe I Can Fly?”
Gina Lopez: Alam mo Rey, tulad na rin ng lyrics ng awiting yan ang sabi;
If I can see it, then I can do it
If I just believe it, there’s nothing to it
I believe I can fly
I believe I can touch the sky
I think about it every night and day
Spread my wings and fly away.
See I was on the verge of breaking down
Sometimes silence can seem so loud
There are miracles in life I must achieve.
Marami ang nadismaya sa pagkaka reject na ito ni Sec Lopez ng Committee on Appointment. At sa kabilang banda mayroon ding nag sasabing may malaking lobby money na umikot dito upang ma rotektahan ang interest ng mga mining companies.
Flashback
Naalala ko ang yumao nating kaibigang na si Secretary Cerge Remonde nang siya ang humarap sa pinaka makapangyarihang Commission on Appointment para sa kanyang positiong Press Secretary.
May nakapag bulong kay Cerge na may dalawang Senators na haharang sa kanyang confirmation. Na share ni Cerge sa akin ang kanyang predicament bilang isang kaibigan. Kilala ko ang tinukoy na dalawang Senators bagamat hindi naman ako very close sa dalawa. Sinubukan kong tawagan sa kanyang Cellphone ang una, at ganito ang sinagot sa akin:
Senator 1: ” Rey alam mo naman na nsa-oposition ako, kapag sinoportahan ko ang appoinment ng kaibigan mo na si Cerge Remonde mapapahiya ako sa mga kasamahan ko, at anong mukha naman ang ihaharap ko sa kanila.” Hindi pa rin ako nag paawat at sinabi ko kay Senator.
Rey: So, papaano mo ako matutulungan, sa papaanong paraan?
Nag pause muna siya ng matagal, tapos sumagot siya nang ganito.
Senator 1: ” Sige, ganito na lang ang gawin ko, mag aabsent ako!”
Hindi ko na lang babangitin ang kanyang Panglan. Siya ay kilalang kilala ninyo. Maganda ang kanyang record, magaling na mambabatas, aktibong Senador hangang ngayon.
At maaaring ma-appoint sa isang mataas na Position sa Duterte Administration.
Saludo ako sa senador na ito.
Challenge To Professional Integrity
Sinunod kong tinrabaho ang ikalawang Senador na binangit sa akin ni Cerge. Isa ring respectable, maganda ang background, may edad na at kilalang istriktong Senador. Kinausap ko sa telephone at sinabi niya sa akin ang kanyang sama ng loob kay Sec. Cerge Remonde.
Binanatan daw siya ni Cerge sa media, ito ay may kaugnay sa issue na nangyaring aksidenting crashedng Helicopter na sinasakyan ng mga nasawing opisyales ng gobierno. Alam kong hindi ako mapagbibigyan ng ikalawang Senator dahil ito ay may ” Axe to grind ” kay Cerge.
Senator 2: Rey,wala akong maipapangako syo,cge magkita na lang tayo dyan sa CA hearing mamaya.
Dumalo siya sa Committee hearing, makalipas mag salita ni Senator Dick Gordon nang papuri kay Cerge Remonde, ganoon nalamang ang surpresa ko nang sinigundahan ng posetibong support statement ng Senator na pinakiusapan ko ang naunang privilege statement ni Gordon.
Committee On Appointment’s Approval
Hindi nagtagal, isang “unanimous consent”, walang objection at si Cerge ay na confirmed bilang Press Secretary. Isa sa itinuturing na pinaka mabilis na approval ng Bicameral Committee on Appointment sa record ng Kongreso.
Ang naka upong Chairman ng bicameral body ng CA noon ay si Senator Juan Ponce Enrile at ang kanyang counter part sa House ay si Congresswoman Eileen Ermita Buhain, na malaki rin ang naitulong. Siya ang anak ni Executive Secretary Eduardo Ermita na isang kaibigan.
Making long story short.
Napag bigyan din ng ikalawang Senator ang request ko. Hindi ko na rin babangitin ang pangalan ng ikalawang senator. Siya ay dating mataas na opisyal sa Militar. May anak na Congressman. “Pong” kung tawagin ng kanyang mga malalapit na kaibigan.
Summation
Both are distinguished legislators ang dalawang Senators na ating sinalaysay.
Matigas man ang kanilang prinsipyo, paninindigan at pag sunod sa partido, mayroon pa ring “soft spot” sa kanilang puso kapag napaliwanagan.
Sabi nga, “They Are Human After All!“