Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

KAYA MO BANG MAG-ALAGA NG AMERICAN BULLY?

$
0
0

Narinig na ba ninyo ang mga Bullbullies? Buweno pag usapan natin. Laluna kung hindi pa ninyo sila kilala.

Una kilalanin natin ang kanilang mga paboritong breed ng aso na ngayon ay pinag kakaguluhan sa Amerika. At ngayon nag umpisa na ring makilala sa Pilipinas. Ito ang American Bully! Samahan nyo kaming pasukin ang mundo ng bullbullies, isang grupo ng magkakaibigan na binigkis ng pagkahilig at pagmamahal sa man’s best friend.

Ang ating kakaibang istorya ngayon ay tatawagin nating “Bullbullies” na hango sa aming Programang “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong napapanood tuwing Linggo ng 10:30pm sa PTV4.

Pag nakita mo siya sa una, matatakot ka talaga i-approach or hawakan, laluna kung hindi ka mahilig sa aso o hindi ka pet lover. Pero ang nakakagulat dito once na mahawakan mo siya, ayaw mo nang bitawan. Ito ang American Bully, cross breed ng dalawang lahi ng aso.

At kung ikaw mismo ‘yung makaka-experience, na makapag alaga sa kanya matutuklasan mo ang maganda niyang temperament. Talagang pang companion.

SEARCH AND RESEARCH

Nag-sakatuparan ng masusing pananaliksik ang ating Kasanggang JR Langit, palibhasa isa siyang Pet lover at sadyang mahiligin sa aso. Una kinapanayam niya si Gelo Santos, member ng Bullbullies, at nag-aalaga ng American Bully.

Gelo: Ang bully kasi, may dating siyang brusko, dahil malaki ang katawan. Bagama’t yong anyo niya na nakakasindak, sa tunay na buhay isa siyang mahinahon at may magandang temperament. Mabait siya.
Palagay ko kaya tinawag siyang bully, kumbaga pambully lang siya pero kapag hinawakan mo siya, pwede mo siya yakapin.

AMERICAN BULLY’s HISTORY

Si Joms Gallano ay member din ng Bullbullies, nag-aalaga ng American Bully.

JR: Ano ba ang tinatawag na American bullies na breed?

Joms: Ang American Bully kasi, it is recently created a developed breed. Originated ito sa US. Nag-originate ‘yung American Bully from the American pitbull at ‘yung American Staffordshire terrier. Crinoss sila para makapag create ng pure version ng bully na hinahanap ng mga americans before. So, nung lumabas ‘yon, habang dine-develop nila ‘yung American Bully, unti-unti silang nag-iincrease ng different bully breeds. Yun ang tinatawag nating standard ngayon. Yun ‘yung lumabas na American Bully.

Maaaring pagkamalang pittbull ang American Bully dahil sa kanyang itsura, subalit may kakaiba itong karakter.

CHARACTERISTICS

Kinapanam din ni JR Langit si Harold Lopez na member ng Bullbullies. Isinalarawan ni Harold ang pagiging intimidating ng American Bully.

JR: Ano ang masasabi mong kakaibang characteristic ng American Bully na hindi karaniwang nakikita sa iba?

Harold: Matagal na rin akong nag-aaso. Kumbaga, marami na ako na-handle na iba’t ibang dog breeds. Like 15 years ago, nag start ako mag-alaga ng pitbull. Yung nagustuhan ko kasi before nun is yung temperament nila. Nung na-introduce sa akin ‘yung American Bully, nagustuhan ko sila kasi una ‘yung itsura nila eh. Very intimidating lalo na pag nakikita mo kunwari hindi ka familiar dun sa breed or ngayon ka lang nakakita ng American Bully, matatakot ka talaga i-approach or hawakan pero magugulat ka once na hawakan mo siya or maalagaan mo sila, ‘yung ikaw mismo ‘yung maka-experience, sobrang ano eh, sobrang ganda ng temperament nila. Eh ako ‘yun ‘yung hinahanap ko sa aso eh kasi gusto ko talaga una, family pet tapos companion kaya pasok sa lifestyle ko ‘yung American Bully.

JUST LIKE HUMANS, AMAZING!

Kinwento ni Gelo Santos kung papaano humabol at umiyak ang kanyang alagang American Bully tuwing umaalis siya ng bahay.

JR: ikaw personally, ano ang nagustuhan mo sa bully? Paano yung bonding niyong dalawa?

Gelo: ito kasi parang anak ko eh. Kapag pumapasok ako sa opisina, humahabol siya, umiiyak. Ang maganda kasi, ang masaya sa pag-aaso, ‘yung bonding niyong dalawa. Yung alam niyang ikaw ‘yung master, ikaw ‘yung amo. Pagdating ng feeding time niya, excited na excited siya. Yung ganun. Yung ilalabas mo siya sa cage niya, iwa-walk mo, excited siya. Tuwang-tuwa. And at the same time, sa family kailangan meron ding sino-socialize mo rin siya para masanay siya sa tao.

STAND OUT QUALITY

Ipinakilala ni Joms kay JR si Baby Ama, na isang aso na may show quality.

Joms: ako nga pala si Joms Gallano ng Bullbullies. Nandito ngayon, kasama ko si Baby Ama. Nakuha ko si Baby Ama last 2014. Mga around December yun. Sinwerte ako nakilala ko yung isa sa mga veteran breeder ng bully ditto sa Philippines, si Christian clemente from state. Siya yung unang American Bully ko na talagang pwedeng iconsider na show quality. Sa ngayon, si Baby Ama is 18 months old. Nadiscuss ko kanina yung mga varieties ng American Bully. Si Baby Ama pasok siya sa pocket category. Bakit siya tinawag na pocket? Kasi below 17 inches yung height niya. Kung makikita niyo siya medyo maliit siya compared mo sa mga standard na American Bully.

JR: Anong tawag sa ganitong kulay?

Joms: Ang color na ganito is blue. Blue yung term na gamit nila pagdating sa ganitong grayish na mga parang dark gray. Blue yung tawag nila sa ganitong color.

JR: Tapos si Baby Ama, hindi na siya lalaki in terms of height?

Joms: Sa size, ito na yung immature size niya. Usually kasi ang bully or any other dog breeds naman, nag stop yung growth nila in terms of height around ten months to 12 months. Kung malampasan niya na yung edad na yun, kung ano yung height niya ng ganung edad, yun na mismo yun hanggang sa mag mature siya.

JR: Siguro lalapad nalang?

Joms: Lalapad nalang. Si Ama kasi nung puppy siya, hindi ganito ka-muscular eh. Yun yung isa sa kagandahan ng breed na nagustuhan naming sa kanila. Kasi yung pag-eevolve nila from puppy hood hanggang sa mag mature sila, hanggang sa adulthood nila, ang laki ng difference. Kumbaga, yung mga muscles nila, yung head shape nila, yung head size, nagbabago talaga.

PERFECT COMBINATION

Nariyan rin si Tukmol at si Ninong:

JR: Sa mga traits ng aso niyo, nakuha niyo na ba yung perfect na American Bully?

Gelo: Itong aso ko, itong si tukmol, si tukmol ang first breeding ng bullbullies. Local born siya. Yung parents niya, yung sir or dame niya, parehong bullbullies. Proud kami na naka-produce kami ng ganitong itsura. Sa tingin namin, maganda ‘yung quality na kinalabasan.

JR: ano ba yung quality na maganda sa bully?

Gelo: sa bully kasi unang titignan mo dyan yung ulo, yung built ng katawan, yung buto niya tapos kung correct ba siya kapag sinabi naming correct, titignan naming yung bite niya, yung paa, kung yung top line ba diretso, yung buntot. Yun. Yun ang mga bagay na tinitignan naming.
Samantala ipinakilala rin si Ninong, na isang extreme category.

JR: Harold, paki describe sa amin yung alaga mong bully

Harold: Ang kasama ko ngayon ditto ay si ninong. Nakuha ko siya sa isa sa mga idol naming, si Alvin Eusebio ng FBI. Si ninong, sa category siya ng extreme pinapasok eh. Kasi kung mapapansin niyo medyo mas makapal siya sa regular na mga pocket na bully compared dun sa iba na medyo mababa pero pasok siya sa extreme category.

JR: Pag sinabing extreme category talagang mas Malaki siya?

Harold: Mas Malaki siya ng konti sir compared dun sa mga regular.

JR: Ilang taon na si ninong?

Harold: Si ninong po 14 months siya ngayon.

JR: So anong color?

Harold: Color niya po is fawn. Kung tawagin siya ay fawn.

DECEPTION

Mula sa katagang bully ang kanyang pangalan subalit, kabaliktaran ng katagang ito ang kanyang mga katangihan.

JR: Ano bang nagustuhan mo sa bully?

Harold: Sa bully naku marami sir, kumbaga pagkacompared sa ibang aso sila medyo madali namang alagaan tapos mabait dahil sa may mga anak din ako nahahawakan ng mga anak ko kahit medyo Malaki siya yung iba natatakot hawakan mukha daw kasing nkakatakot pero kabaliktaran yun sa bully breed po. Kumbaga mahahawakan siya kahit ng bata.

JR: Ang ears ng bully ginugupit?

Harold: Yes sir, kinacrop siya so may mga iba’t ibang klase din mga short, may long at may battle crop kung tawagin so depende sa gusto mo sir kung anong gustong crop ang papagawa mo sa aso mo. May binabagayan din kasi.

JR: Ang buntot ginugupit?

Harold: Ang buntot hindi po.

ENTERPRISING

Magkakaibigan na mula pa pagkabata ang mga bumubuo sa grupong bullbullies. Nagsimula sa pagiging mahilig lamang sa aso subalit ngayon ay katulong na nila ito sa kanilang kabuhayan.

JR: anong special sa bullies niyo kumpara sa ibang nagtitinda din ng bully?

Gelo: actually pare-pareho naman eh. Pare-pareho naman yung ibang kennel. Pareho naming inaalagaan ng maayos yung mga aso. Nagbri-breed sila para sa ikagaganda ng breed. Siguro ang tingin ko lang sa pagkakaiba naming sa kanila, siguro yung samahan namin. Yung samahan mula pagka bata, magkakasama na kami. Kumbaga parang magkakapatid kami. Parang aso ng isa, aso ng lahat.

Sina Colin at Candy Camaisa ay Members ng Bullbullies, nag-aalaga ng American Bully. Naibahagi nila kung papaano ang panganganak nang kanilang alaga at ilan kung manganak.

Colin: Ito yung first puppy namin na galing kay Baby Ama at Kuracha Nakita niyo si Tukmol diba ito abangan niyo.

JR: Ilan sila?

Colin: Nine, 3 male and 6 female.

JR: Ilan yung normal na pinapanganak?

Colin: Normal naman yung 5 o 6 ganun, 9 marami na yun.

JR: Tapos cesarean?

Colin: Oo, cesarean. Yung iba naman kaya ng normal. Ito pinakagusto ko dito Malaki yung buto parang nasa kanya yung lahat e and male.

ENTERTAINMENT

Sa ngayon hindi lamang mga American Bully na family pet ang pinalalago ng bullbullies kundi mga aso na puedeng maging Entertainer.

Harold: Ang kasama naman natin ngayon ay si Kamu siya yung pinapasok namin sa classic category ng mga shows. Kung mapapansin niyo dun sa nauna kay Baby Ama saka kay Ninong mas mataas siya tapos hindi siya ganun kacompact yung body niya so naayon siya dun sa classic category. Sa mga naunang bully dito sa pilipinas mga 90’s pa sila yung mga nauna. Si Kamu ay 14 months ang color niya is blue kagaya din siya ni Baby Ama.

Kung itatanong naman ninyo kung magkano ang presyo ng mga American Bully, laluna kung pang Show.

Joms: depende sa quality ng puppy. Hindi kasi kami nagbabase sa papers gaya ng ginagawa ng ibang breeders. Nakabase kami sa itsura ng puppy. Kung pang pet siya, meaning to say, meron siyang minor fault or hindi talaga siya pasok sa base standard kagaya ng hinahanap naming na pang show, medyo mas mura. Siguro ang price range P30-50,000 kapag mga pet. Kapag more than P50, 000, hindi naman siya show quality agad, kasi mahirap mag-assume ng show quality eh. Nakikitaan namin siya ng potential. Gaya ng pinakita kanina ni gelo, si tukmol, nakikitaan naming siya ng potential. Yun din yung main reason naming bakit kami nagbri-breed. Para magkaroon kami ng pang show naming na gawa naming talaga.

FRIENDLY ADVICE

Ayon sa Bullbullies, low maintenance na maituturing ang American Bully, madali lang itong alagaan. Subalit kung ikaw ay masyadong abala sa ibang bagay, hindi para sayo ang American Bully.

JR: ano ang mabibigay mong advice sa mga baguhan palang mag-alaga ng bully?

Joms: Sa mga newbies na interested na mag-alaga ng American Bully, ang pinakamagandang ma-aadvice ko sa kanila is talagang mag research. Nandyan naman ang social media, nandyan naman si google. Pwede ka mag search ng history or tungkol sa American Bully kasi kailangan mo malaman kung specific breed ba ng aso na gusto mo bilhin ay pasok sa lifestyle mo. Kasi mahirap eh. Kunwari bibili ka ng American Bully pero sobrang busy naman ng schedule mo, wala kang oras para sa kanila, kawawa rin yung aso kasi sila, kagaya nga ng sabi ko kanina, brineed sila para maging companion, para maging family pet. So talagang attention seeker sila. kailangan mo talaga silang kasama palagi, kailangan mo ubusin ang oras nila. Pangalawa, kung may oras yung mga newbies na sumilip or bumisita sa mga local dog shows, mas maganda. Kasi nandun lahat ng mga iba’t ibang grupo, bully breeders, mga enthusiast na pwede mo makilala na in the future, pwedeng makatulong sayo na makahanp ng puppy na pasok sa taste mo. And at the same time, makikita mo yung iba’t ibang klase ng mga bullies na available sa market ngayon. Yung mga particular line kasi mahirap kasi aralin yan kung sa internet mo lang issearch palagi eh. Hindi kagaya kapag Nakita mo siya sa personal, dun mo madi-differentiate yung ibat ibang klase ng itsura ng mga bullies.

JR: saan naman kayo pwedeng ma-contact?

Joms: ngayon meron kaming facebook page. I-search niyo lang sa facebook ang bullbullies. Lalabas naman yun. Mabilis naman kami sumagot ng mga messages eh. Kung may inquiries, pwede silang mag send ng direct message sa amin. Then kung may puppies kaming available, mabilis naman kaming mag reply.

Ang American Bully ay isang patunay na hindi nakikita sa itsura ang ugali, tao man yan o alagang hayop.

Isa ring patunay ang kwento ng bullbullies na hindi lamang bigkis sa pamilya ang pag aalga ng hayop kundi maging sa pagkakaibigan.
At tulad ng sa isang tao, kailangan rin nating kilalanin ang klase ng ating mga pets upang maibagay sa kanila ang tamang alaga at pagmamahal.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles