Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Golan Heights Challenge

$
0
0

RULES OF ENGAGEMENT

Hindi pa rin tumitigil si United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) Commander Singh Singha sa kakabanat sa ating mga peacekeeping forces na tumakas upang iligtas ang mga sarili sa tiyak na kapahamakan.

Gen. Pio Catapang shows where the Philippine troop was trapped.

Gen. Pio Catapang shows where the Philippine troop was trapped.

Sa ginawa nating pakikipanayam kay Lieutenant Colonel Ramon Zagala ng AFP sa aming palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit sa DWIZ882, natanong ko sa kanya kung ‘yon bang order na hindi pagbaba ng kanilang armas ay nanggaling sa Pilipinas.

COL. ZAGALA: Alam po ninyo bawat sundalo may training at may experience lalo na yung galing sa atin dito sa Pilipinas. Mayoon tayong rules of engagement. Ang rules of engagement talaga ay yung pag ikaw ay endangered na ang buhay, then that’s the time na pwede kang lumaban. ‘Yon ang nangyari dyan sa Golan Heights. Nagdesisyon ang mga opisyal natin na nakatalaga diyan na lumaban kasi na threaten na yung mga buhay nila.

REVERSED COMMAND

REY: Ano naman ang eksaktong naging utos ng kanilang commander doon?

COL. ZAGALA: At diyan naman, nagbigay naman ng utos itong si Force Commander General Singha na imbes na lumaban ay ibigay na lang daw yung kanilang baril. Hindi po katanggap-tanggap po yun kahit sinong sundalo na kahit saan tayo pumunta sa buong mundo na susuko ka ng wala ka man lang laban. So alam natin ang mission natin ay peacekeeping at yan ay mamamagitan between Israel and Syria ngunit wala naman sa mission natin na ilagay sa kapahamakan ang ating mga kasundaluhan kung hindi naman kailangan mangyari. Nagdesisyon po yung mga commanders natin doon, kinunsulta sa atin dito at in-affirm yan dito ng ating chief of staff.

CRUCIAL MOMENTS

REY: How true na habang pinapaligiran ang kanilang kampo ay monitored po natin dito sa Pilipinas yung bawat galaw at hakbang na ginagawa ng may apatnapu nating sundalo?

COL. ZAGALA: Mayroon po tayong direct contact sa battalion commander po doon na Pilipino, siya si Lieutenant Col. Ted Damusmog at mayroon din tayong contact sa Chief of Staff ng UNDOF na si Lt. Col Ezra James Enriquez. Alam natin ang lahat ng nangyayari doon. Mayroon pa tayong mga frigid conference habang nangyayari, alam natin yung mga critical times na situwasyon nila. Kaya kumukunsulta si Col. Enriquez at Col. Damusmog although sila ang gagawa ng desisyon na yan. Ang leadership natin dito ay nagbibigay ng advice sa kanila at naga-affirm ng desisyon na gagawin nila.

NO SURRENDER

REY: Totoo bang si Gen. Gregorio Pio Catapang ang nagsabing huwag nilang ibababa ang kanilang sandata at huwag susuko?

COL. ZAGALA: Yes. Wala sa policy po ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na basta susuko ng ganoon, at the same time nandun na rin si Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario. Siya na rin mismo ang nagsabi na it is national interest ang proteksyon ng ating mga kasundaluhan. Alam mo, Rey, walang guarantee na binigay mo ang baril mo sa mga rebelde na ito at sumuko na hindi maco-compromise ang safety niyo.

BEST OPTION

REY: Gaano ba katagal ang putukan, yung pakikipaglaban ng ating mga sundalo?

COL. ZAGALA:  7 hours po yung gun fight. Undertermined kung ilan ba ang napatay natin sa Syrian rebels. Hindi po ang mga sundalo natin ang sumugod sa kanila, sila ang sumugod sa atin. We are just defending ourselves so pag sinunod natin ang utos na tayo ay sumuko, lay down our arms, ano na ang mangyayari sa mga kasundaluhan natin after that 7 hour fight? I think kahit hindi ka graduate ng matataas na schooling ng military at ikaw ay isang private lang, alam mo na ang mangyayari syo so the best option at that time was reposition and get out of the armed conflict.

GOVERNMENT ACTION

Makikipagkita si Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario kay United Nations Secretary General Ban Ki-Moon upang talakayin ang deployment ng mga Filipino Peacekeepers sa Golan Heights particular sa nangyaring insidenting ito.

Tatalakayin ang mga tactical issues, lalo na ang UN Command and Control tuwing may kidnapping gayundin ang accountability ng UN mission leaders at multi-dimensional contingency plans.

LOSS OF CONFIDENCE

Dalawang grupo natin ang nasa Golan Heights: ang Philippine contingent na aabot ng 332 o ang peacekeeping force at 60 members ng UN staff. Si Col. Ezra Enriquez ay ang Chief of staff ng UNDOF ang pinakamataas na Pilipino.  Siya naman ang pangatlo mula sa pinakamataas na si Gen. Singha, may isang deputy at ang staff ay si Gen. Enriquez.

Mayroon silang disagreement sa mga decision making ni Gen. Singha at ang sabi nga ni Col. Enriquez: “After this crisis, I will no longer work for you, Gen. Singha.”

Siya ay nag-resign dahil sa lack of confidence kay Gen. Singha dahil sa mga decision na naglagay sa panganaib sa mga Filipino troopers. Kaya si Col. Enriquez ay nagdesisyon na magresign. Isang honorable na bagay na pwedeng gawin dahil ang ginawa ni Gen. Singha ay unacceptable. Paano ito makapag tatrabaho pa gayong wala na itong confidence o tiwala sa kanyang nakatataas?

NO COMPROMISE

Bagamat ang ginawa ng ating kasundaluhan ay paglabag sa naging kautusan ni Gen. Singha, hindi rin naman maiiwasan na isipin ang kaligatasan muna ng ating mga kasundaluhan. Mayroong tinatawag na lawful at unlawful orders.  Sa paniniwala ng Sandatahan Lakas ng Pilipinas na ang Philippine contingent natin doon ay tumanggap ng unlawful orders na i-lay down ang arms and surrender. At wala na sigurong maaari pang maging compromise kung safety at kaligatasan ang pag uusapan para sa ating mga kapwa Pilipino sa ibayong dagat.

QUOTABLE QUOTE

“To be one’s self, and unafraid whether right or wrong, is more admirable than the easy cowardice of surrender to conformity.” – Irving Wallace

 

 

Photo credit: USA TODAY Aaron Favila, AP


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles