Sa METRO MANILA ang rapid growth ng commuters kaya nag “mushroom” ang mga sasakyan. Sabi nga dito ang sentro ng Philippine socio-economic at political activity.
Napaka importante ng EDSA sa halos 10million mamamayang na ninirahan sa Metro Manila. Mahigit sa 12 percent nang papulasyon ng Pilipinas ay naririto sa kalakhang Maynila.
Idagdag natin ang mabilis na pag lago ng population dahil sa mga transients at migrants na gustong makipag- sapalaran sa Metro Manila. Ang 24-kilometer stretch mula sa MacArthur Highway sa Caloocan City sa North hangang Roxas Blvd., sa Pasay City, sa south ang problema natin araw-araw. “TRAFFIC!” ang bukang bibig ng lahat.
Victims Of Edsa Traffic
Marami na ang napahamak sa naging description nila sa Edsa traffic. Isa ay si Mar Roxas ng siya pa ang DOTC Secretary, kanya raw nasambit na ito ay “Sign of Progress.” Bugbog siya sa media.
Maging si Joseph Emilio Abaya ng siya ang DOTC Secretary, attributed sa kanya ang: “Hindi naman nakamamatay ang Traffic.” Pinag-fiestahan din siya ng Media.
At ngayon ay si DOTC Sec. Art Tugade naman diumano ang nagsabi na ang traffic ay isa lang “State of Mind”, at lagi na lamang nagagamit na excuse kapagka na-lelate sa trabaho.
Bagamat may mga denial sila, o maling interpretasyon halimbawa sa ibig nilang pakahulugan ay hindi pa rin sila naka ligtas sa naging puna at batikos ng publiko. Dahil anomang katwiran ay hindi magiging katangap tangap kung wala paring pag babago sa traffic ng Edsa.
Sabi nga kung nakamamatay lang ang “MURA” matagal na silang namaalam.
The Kasangga Interview
Ating kinapanayam si Senator Grace Poe ang Chairman ng Senate committee on Public Services sa ating pang umagang palatuntunan (10-11am) “Kasangga Mo Ang Langit”, na TeleRadyo program sa DZRJ 810khz, 8 TriMedia Network.
Rey: Napaka-laki ng task na nai-atang po sa inyo, kaugnayan ng emergency powers para sa ating pangulo. And not to mention napaka-seryoso po ng problemang ito na supposedly tutugunan ng emergency powers ang traffic na araw-araw na sakripisyo at kalbaryo ng ating mga mamayan sa Metro Manila.
Sen. Poe: Opo, ako nga po ang committee chairman ng public services, kasama sa aming tungkulin na yung emergency powers ng presidente ay maibigay para mas mabilis maibigay yung problema sa traffic. Eh kaya lang po, sa ating pagbibigay ng emergency powers yung binibigyan natin ng kapangyarihan yung isang tao na magkaroon ng desisyon sa mga bagay-bagay, kaya sabi ko na gusto natin na bilisan yan kaya hinihingi natin sa DOT na isumite agad sa amin kung ano ba ang mga proyekto nila, (Ka sa-submit pa lamang ng DOT ng mga tinutukoy na requirements).
Kailangan may deadline hindi pwede o ang pagkakagawa ng kalsada kailangan tapos yan ng isang taon or less yung mga ganoong bagay. Hindi pwedeng bibigyan natin sila ng isang blank check baka mamaya kung anong isulat nila diyan at tayo rin ang magbabayad niyan pagdating ng panahon.
Rey: So dapat po maging klaro ito sa sambayan na mayroong time table, hindi po kwentuhan lamang kundi konkretong plano na dapat ilatag. Aside po dun, importante po yung binanggit ninyong FOI na commitment na dapat ay ilatag sa lahat ng mag-iiscrutinize, bukas sa publiko.
FOI Compliant
Sen. Poe: Tama po, yung mga kontrata po na papasukin ng ating gobyerno bagamat meron silang emergency powers, kundisyon po namin na dapat masiyasat nating lahat, so open po iyan para sa ating kaalaman dahil pag meron silang mga pinasok na kaduda-duda pwede natin silang sitahin. Iyan yung mga bagay na nais kong ilagay sa probisyon ng emergency powers FOI-compliant, physically responsible, time frame, yun yung mga dapat na andun.
Ano ba ang plano, magpapagawa kayo ng bagong ano, yun bang NLEX-SLEX connector, may problema kayo sa right of way sa pagbili ng mga lupain para diyan. Ano ang mga kailangan ninyo at kung God-willing ay gusto namin maibigay iyan sa inyo. Humihingi kayo ng tulong sa amin, hindi naman namin alam kung ano ba talaga yung mga dapat ninyong gawin. So, simple lang ang aming kahilingan hindi naman po mahirap iyan.
Kaya bigyan nila kami ng timeline kung gaano katagal yung mga proyekto na yan dahil alam naman natin na ang mga kalsada natin ay naiiwang binubungkal lamang at hindi naman binabalik yung tapal, yung mga bagay na ganun.
Subways In Other Countries
Rey: Kayo po ay galing na sa mga mauunlad na bansa, not to mention USA. Ako sa dami rin po na bansang nabisita ko na with due respect, ay may mga Subway, mukhang dito lang sa atin ang hindi pa uso ang subway. Hindi po lumalapad ang ating kalsada, dumarami ang mga behikulo pero wala tayong ginawang expansion sa ilalim.
Sen. Poe: Yun nga, yun nga siguro ang pinaka-magastos pero pinaka-epektibo kase unang-una ang bungkal ay sa ilalim minimal yung problem. May mga ibang argumento ang sabi dahil nga daw ang ating bansa ay tropical tapos bahain mga ganyan. Hindi po kase kung matatandaan ninyo yung mga tren sa ibang bansa ay tumatagos nga po sa ilalim ng karagatan kaya kung sa atin na baha-baha lang kung tama naman ang pipe line system kukuha tayo ng mga may alam na engineer sa ibang bansa eh kayang kaya po nating gawin yan kahit po sabihin natin na utangin po natin yung pera sa pag-gawa niyan, parang investment lang iyan ng ating bansa para sa kinabukasan hindi po iyan masasayang.
Yun pong subway system ng New York, iyon po ay nagawa nila early 1900. Ibig kong sabihin hindi na po bago, kailangan lang talaga nang imahinasyon at mas matapang na desisyon mula sa ehekutibo para maging makatotohanan iyan.
Cooperation Of Congress
Rey: So klaro naman ang mga requrements ninyo at ito ay naiintindihan naman nila?
Sen. Poe: Importante po na malaman, magdadagdag ba ng kalsada, magdadagdag ba kayo ng tren , yung mga fx ililipat ba ninyo, mag-eexpand ba kayo ng runway, maglalagay ba kayo ng flight landing lights, ito ba ay sa metro Manila lang o kasama ang metro Cebu, Cagayan De Oro, Davao at lahat ng mga city shelters.
Ako po kahapon galing sa Pasay, yung trabaho sa Senado, pauwi po ako sa Quezon City kung saan po ako nakatira, tatlong oras din po ang ginugol natin sa ating paglalakbay at bale wala yun at inaamin ko naman na ako ay nakasakay sa pribadong sasakyan, yung iba pong naka bus na wala man lang aircon sigurado mas matagal pa po ang byahe nila sapagkat lilipat pa sila ng mga sakayan. So ako tatlong oras sa distansya nay un, hindi ako magtataka kung limang oras sa kanila. Kaya kung nararamdaman ng ating mga kababayan ang hirap ay talagang kailangan na paspasan ang trabaho namin at sabi ko nga kung meron mang delay to hinding-hindi nila masasabi na ito ay sa senado sapagkat ako, mula pa noon sinisipagan ko ang trabaho, binibilisan ko. Ang problema sa kongreso ay hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uumpisa ng pagdinig ng emergency powers po na iyan, hindi ko po pwedeng ibigay mag isa kailangan ko po ang kooperasyon din ng kongreso at mga kapwa senador.
Time Table
Rey: Assuming kumpleto na lahat ng requirements ng inyong inyong committee, hypothetical lamang po madam senator, ano ang time table natin sa senado para sa approval ng Emergency Power.
Sen. Poe: Alam po nyo, bago po mag-December nagb break kami ng December dapat pipirmahan yata ng both Houses, ng Congress at ng Senate. Maipapangako ko yung sa amin, definitely tapos na yung aming mga proceedings, ang target ko po bago mag break ng December. Kung submitted na lahat lahat sa amin, eh di siguro before November baka matapos na namin iyan.
Dahil sa bawat delay niyan delay din ang implementasyon ng proyekto. Nakakasawa na talaga itong traffic, nakakapagod na din. Kaya kung ano man ang maiaambag namin eh gusto na namin gawin dahil pati ba naman sa senado pati ba naman sa kongreso kailangan trapik pa rin ang trabaho, hindi naman dapat.
Summation
Sa report ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sinasabing kahit na maganda ang inaasahang paglago ng economiya, ang nawawala naman ay umaabot sa Billon kada araw dahil sa traffic. At ang kanilang forecast sa taong 2030 kung hindi agad masusulusyonan ang problema sa ating traffic baka umabot pa ng 6 Billion o higit pa araw-araw ang mawawala.
Ang JICA rin ang nagsabi noong 2013 na ang nawawala sa Pilipinas ay nasa 2.4 billion kada araw, mula pa taong 2012. Kaya kung billiong halaga sa negosyo ang nawawala sa atin araw-araw, dapat lang idagdag dyan ang milyong commuters na tumataas ang prisyon sa konsumisyon araw-araw dulot ng walang katapusang…
TRAFFIC!