Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

MAKASAYSAYANG OVAL OFFICE

$
0
0

Minsang nasambit ni US President Barack Obama sa media na hindi siya aalis sa Oval office kung si Donald J. Trump lamang ang mahahalal na Pangulo ng Amerika.

Binanggit niyang isang malaking kapahamakan ang pag okupa ni Trump sa Oval Office. Wala siyang karapatan, at hindi siya para dito.

Maka-ilang beses na ring nakapag-cover ang KASANGGA TEAM sa mga Official State Visits ng mga naging Pangulo ng Pilipinas. Napasama tayo sa limitadong bilang ng mga Journalist na naka pasok na sa Oval Office ng White House, Washington DC.

Tandang tanda ko pa na dito rin sa makasaysayang Oval Office na ito ko naisakatuparan ang controversial na pag tatanong ko kay US President Barack Obama. Dahil mahigpit na ipinag babawal ng Protocol Officers ang ganitong uri ng interview na walang prior na approval ng White House. Sa pangyayaring yon ay binansagan tuloy tayong the Oval Office 1st hostile Asian Journalist to have interviewed Pres. Barack Obama.

Barack Obama has told Media that he will not vacate the "Oval Office" if Donald Trump is elected President of the United States. This is exactly the "Oval Office" at the White House with Pres. Barack Obama.

Barack Obama has told Media that he will not vacate the “Oval Office” if Donald Trump is elected President of the United States. This is exactly the “Oval Office” at the White House with Pres. Barack Obama.


 

FACE TO FACE

Samantala si President-elect Trump ay lumipad mula New York sakay ng kanyang pribadong jet, lumapag sa Reagan National Airport. Si Trump ay sinamahan ng kanyang may bahay na si Melania at nagkaroon sila ng pagkakataong magkaharap ni First Lady Michelle Obama.

Nagkaharap ng personal sina President Barack Obama at President-elect Donald Trump sa makasaysayang Oval Office. Naging mainahon, magalang at nangako ng magtutulungan ang isa’t isa.

Isina-isang tabi ang naging alitan at mahahanghang na salita na naging pamoso sa panahon ng kampanya, na parang walang nangyari.


 

EXCHANGED INSULTS

Kung inyong maaalala, ilan sa mga tanyag na salitang namutawi mula sa bibig nina Barack Obama at Donald Trump:

“The Republican nominee is unfit to serve as president. He’s woefully unprepared to do this job.”

“President Obama has been the most ignorant president in our history.”

“If somebody can’t handle a Twitter account, they can’t handle the nuclear codes.”
Pahayag ni Obama kay Trump dahil sa ipinakikitang mainiting ulo ni Trump.

“He’s the founder of ISIS.”
Bintang ni Trump kay Obama dahil sa naging magulong situwasyon sa Iraq at Afghanistan.

“He has been a disaster.”
Isa sa madalas na insulto ni Trump kay Obama, sa tuwing umaharap sa Media.

Nang kasagsagan ng kampanya kinu-question niya ang US Citizenship ni Obama at nagbitiw ng salita si Trump na gigibain niya ang tinayong legacy nitong si Obama.


 

AN AWKWARD TURN

Ngayon sa kanilang pag kikita, pahayag ni US President-elect Donald Trump kay Obama:

” It is a great honour… “

Bagamat ang bawat isa sa kanila ay may kinikimkim na sama ng loob dahil sariwa pa ang sugat na dinulot ng nakalipas na halalan at sa pagkakaiba sa ugali at style, ipinakita pa rin nila ang kanilang pagiging civil sa isa’t isa at pagiging professional sa pag kikita nila sa makasaysayang Oval Office.

Sa paghaharap na ito sa transition talks sa White House, naging maganda ang kanilang naging pag uusap na tumagal ng mahigit isang oras.

Hindi man nila napag usapan ang kanilang mga naging akusasyon sa isa’t isa ay naging mahusay naman na napag usapan ang hinggil sa domestic at foreign policy. Natuwa si Obama sa naging pahayag ni Trump na gusto niyang makipag tulungan sa grupo ni President Obama sa mahahalagang issues na kinahaharap ng Estados Unidos ngayon. Nagkaroon din ng pagkakataong mag usap sina Melania Trump at first lady Michelle Obama sa White House.

Ayon pa kay Obama ang kanyang prioridad ngayon sa na lalabing dalawang buwan ay upang maging maayos ang pagsasalin ng leadership sa bagong halal na Pangulo ng Amerika.

And this is the "rostrum" of the 45th President of the United States of America, Donald J.Trump

And this is the “rostrum” of the 45th President of the United States of America, Donald J.Trump


 

ANTI-TRUMP PROTESTS

Dahil nga sa naging pagkatalo ni Hillary Clinton nananawagan ngayon si Obama para isang national unity, ang pagkaka isa. Libo libo paring mga protesters ang nag marcha sa mga lansangan ng America. Iba’t ibang mga demonstration ang naganap sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.

Hindi naging katangap-tangap para sa kanila ang pagka panalo ni Donald Trump.

” Not my PRESIDENT! “ yan ang sinisigaw ng mga protesters mula coast to coast. Tinatayang Libo-libo ang mga mamamayang Amerikano ang nag silabasan sa mga Kalsada sa 25 US cities. Marami ang nag-sakatuparan ng mga Rally sa harap ng mga Gusali na pag aari ni Trump sa iba’t ibang bahagi ng America.

Bagamat mapayapa ang ibang rally ay marami pa ring hulihang nangyari, 65 ang mga hinuli sa New York. At may mga Police officers din ang mga nasugatan. Tinatayang may 40 sunog ang nangyari dahil sa mga Rally sa lugar ng California.

May 200 anti-Trump protesters ang nag-marcha sa Union Square area sa Washington Square Park sa Manhattan. Ang iba ay may bitbit na mga Placards na nagsasabing:
“White men stop ruining everything.”

Magdamag ang ginawang protesta ng may 5,000 katao sa lugar na pinagdausan ng victory party sa labas ng Trump Tower. Kasama sa grupo ng mga nag protesta ay ang pamosong Pop star na si Lady Gaga, na kilalang masugid na taga suporta ni Hillary Clinton. Mga iskaparate ng department stores ang mga nabasag sa riot na naganap sa Oakland, California. Sa Chicago, maraming supporters ni Hillary ang humarang sa harapan o pinaka entrance ng Trump Tower sumisigaw ng:

” No Trump, No KKK, No Fascist USA.”

At ang malaking anti-Trump rally ay nagpa- sara sa malaking lagusan ng 101 freeway sa Los Angeles.


 

SIMILARITIES AND DIFFERENCES

Hindi rin maiaalis na ihambing ang President-elect na si Trump sa nakalipas na naging Pangulo ng America na nag-okupa ng Oval Office sa White House.

Sa imahe ni George W. Bush na board-room style, sa pinakita ni Bill Clinton na flexibility sa harap ng chaos o malawakang problema. Sa pinakitang malinis na reputasyon at pamamalakad ni Jimmy Carter, makalipas ng iskandalong napasok naman ni Richard Nixon na tinawag na Machiavellian manoeuvres.

Si Trump ay kilala sa kanyang magaspang at walang prenong bibig na kabaligtaran ng mahinahong character si Obama. Ngayon ang immediate priorities ni Trump ay maibalik ang mga infrastructure sa kanilang bansa at doblehin ang economic growth ng America.

The "Kasangga Team" visits the White House in Washington DC. USA.

The “Kasangga Team” visits the White House in Washington DC. USA.

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles